^

PSN Opinyon

Nagkamali kaya si DILG Sec. Roxas?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PORMAL nang nagdeklara ng no take policy sa illegal gambling si CIDG director Chief Supt. Francisco Uyami Jr. Sa ginanap na command conference noong Lunes, nagpirmahan din ng isang covenant si Uyami at mga opisyales ng CIDG para ‘wag silang makinabang, hindi lang sa illegal gambling, kundi maging sa iba pang illegal na gawain. Sa pagbitaw niya ng no take policy sa illegal gambling, si Uyami ang naging sentro ng usap-usapan sa Camp Crame. Marami ang nagtatanong kung talaga bang seryoso siya sa kanyang adhikain o bibitaw din siya sa kalaunan. Alam naman kasi ng kapwa nila pulis kung gaano na katalamak ang tong collection activities at pagkasangkot ng taga-CIDG sa extortion at iba pang raket. Pero dito sa sinimulan ni Uyami, marami ang nagmamasid at sana tuloy-tuloy na ito para naman mabago hindi lang ang imahe ng CIDG kundi maging ng PNP.

Dahil sa pagdeklara ng no take policy ni Uyami sa lahat nang masamang gawain, nahinto na rin ang tong collection activities ng tropa ni Lito Guerra sa Calabarzon area. Paano siya hindi hihinto eh wala nang mapag-remitan si Guerra ng nakolekta niyang pitsa. Kasi nga nasibak na rin si Sr. Supt. Rhodel Sermonia sa CIDG noong Lunes ganap na alas kuwatro ng hapon. Hamakin n’yo ‘yan, inabot ng alas tres ng hapon ang command conference ni Uyami at isang oras makalipas, ang lahat ng opisyales na identified sa pinalitan niya na si Dir. Sammy Pagdilao ay natigbak. Kasama na diyan si Sermonia mga suki.At pati ang classmate ni Uyami na si Chief. Supt. Federico Castro ay maaga ring lumisan sa CIDG. Pero hindi ko masabing malungkot si Guerra, DILG Sec. Mar Roxas Sir dahil kinalong naman siya ni PRO1 director Chief Supt. Ric Marquez. Si Guerra na sa ngayon ang tong collector ni Marquez. Kaya masasabi kong tuloy ang ligaya ni Guerra, di ba mga suki? Kung no take si Uyami sa illegal gambling bakit si Marquez ay hindi, ha Sec. Roxas Sir?

Nagkamali kaya si Ro­xas sa paglagay kay Marquez sa PRO1? Kung nahinto si Guerra sa Calabarzon area, tuloy naman ang tong collection activities ni Dodjie Lasierda para naman kay PRO4-A director Chief Supt. Benito Estipona. Kinausap ni Lasierda ang isang alyas Mario para kausapin ako at tigilan na ang kabibira sa kanya at tropa niya. Mukhang si Uya­mi lang ang nag-iisang ni­lalang sa no take policy ni Roxas samantalang si Estipona at iba pang regional director ay bukas naman ang pa-lad sa illegal gambling. Sa tingin ng mga kausap ko, si Uyami lang ang manga­ngayayat bago magbukas ang Loterya ng Bayan sa Hul­yo. Anila, si Uyami lang ang nagpauto sa kababa-yan kong si Roxas. Teka nga pala sino itong alyas Benito na ginagasgas ang pangalan ko sa kalye?

Abangan!

 

BENITO ESTIPONA

CALABARZON

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DODJIE LASIERDA

FEDERICO CASTRO

GUERRA

MARQUEZ

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with