‘Abswelto si General
“UNTI-UNTING lumapit si Chief Superintendent kay “Appleâ€. Tinabihan siya sabay hila ng suot niyang blouse. Nagpumiglas si Apple. Itinaas ang palda nito. Binuka niya ang mga hita nung babae at inilihis ang panty nito…â€
Ito ang kuwento ng biktima ng umano’y panggagahasa na itinago namin sa pangalang ‘Apple’.
Sa isang pagbabalik tanaw, Pebrero 2011, nang unang magpunta sa aming tanggapan si Apple kasama ang asawang si Antonio ‘Anton’. Sila ang mga dating tauhan ng isang ‘Chief Superintendent’ at naging Asst. Regional Director ng Region III na si Jimmy Fajardo Restua o Jimmy (para paikliin).
Pinagtapat ni Apple ang nangyari sa kanya sa asawang si Anton kaya’t sinuportahan siya ng asawang magsampa ng kasong ‘rape’ laban kay Jimmy.
Si Assistant City Prosecutor Ronald Leo T. Haban ang naatasan na magsagawa ng ‘Preliminary Investigation’.
Sa pananaw ni Apple, hindi mangyayari ang lahat ng ito kung ‘di nalulong sa sugal ang asawa. Nasubo itong si Anton sa bisyo kaya’t nabaon sila sa utang.
May nawalang alahas sa bahay ni Jimmy na nagkakahalaga ng mahigit sa Php300,000 at si Anton ang pinagbintangan. Sinampahan siya ng kasong ‘Qualified Theft’. Sa isinagawang ‘resolution’ nakitaan ng ‘probable cause’, nilabasan ng warrant, hinuli at ngayo’y nakakulong. Walang piyansang inirekomenda para sa kanya (No Bail Recommended).
Tungkol naman sa kasong rape, PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, kinapanayam namin ang kapatid ni Jimmy na si ‘Chris’ dahil pinili ni Jimmy na huwag magsalita.
Pinabulaanan niya ang mga akusasyon nitong si Apple. Siya raw mismo ang sumundo sa kanya ng umagang iyon at nandun siya sa bahay sa lahat ng sandali, kaya’t walang ‘rape’ na pwedeng nangyari.
Nitong ika- 14 ng Enero 2013, naglabas si Prosec. Haban ng resolusyon. ‘Dismissed’ ang kaso laban kay Jimmy at ito ang mga sumusunod na kadahilanan;
Wala raw ‘corroborative evidence’ o ebidensyang magpapatunay na siya nga’y ginahasa. Isang testigo (eye witness) na nakakita ng pangyayari at ito’y nakabase lamang sa mga alegasyon ng biktima.
Wow! Prosec. Haban, paano naman ang desisyon ng Korte Suprema sa People vs. Ramos, 550 SCRA 656?
Sa krimen na ‘rape’ na maaaring walang corroborative evidence, ‘eye witness account’ o ‘circumstantial evidence’, ito ay ginagawa ng patago o walang nakakakita at kadalasang ang biktima lamang ang maaaring magbigay ng testimonya hinggil sa puwersahang pagamit sa kanya.
Ang nag-iisang testimonya ng biktima kapag ito’y kapani-paniwala ay sapat na para makitaan ng ‘probable cause’ sa isang ‘Preliminary Investigation’ at sa korte naman ay ‘conviction’.
Sinasabi ni Prosec. Haban na ang ‘Preliminary Investigation’ ay maihahalintulad sa isang ‘Judicial Proceeding’ na kailangan ang sapat na mga puntos para mapatunayang ang akusado ay may sala nga upang sa pagdating ng panahon kapag ito’y nakarating sa paglilitis, hindi na kailangan pang matali ang korte na pawalan ang akusado.
Ito raw ang dahilan kung bakit isinasagawa ang ‘Preliminary Investigation’. Para protektahan ang akusado mula sa malaking gastos sa paglilitis at ang pangamba at kahihiyang dala ng isang paglilitis at sa ganun din iiwas ang estado na maglitis ng mga walang basehang kaso. Dahil sa mga ito, dinismiss niya ang kaso.
Mr. Prosecutor, sa ginagawa mong pagpapawalang sala sa akusado. Ginampanan mo na ang tungkulin ng isang hukom o korte at maliwanag na ikaw ay nabulag-bulagan sa doktrina ng Korte Suprema na walang babaeng sisigaw na siya’y nagahasa, papayagan ang kanyang sarili na eksaminin ang mga pribadong parte ng kanyang katawan, isailalim ang kanyang sarili sa kahihiyan at dumaan sa isang masusi at maselang paglilitis at dungisan ang kanyang pangalan kung ang kanyang mga sinasabi ay pawang kasinungalingan.
Mas grabe pa dito, Prosec. Haban ay mas binigyang timbang ang depensa nitong si Jimmy na isang Ret. Police Director, mayaman at maimpluwensyang tao sa kanilang lungsod sa Pampanga at lahat ng kanyang sinasabi ay ‘Gospel Truth’. Nakaligtaan mo na ba Prosec. ang nakasulat sa malabatong doktrina (stone cast tenet) ng Korte Suprema na ang pagtanggi (alibi) ang pinakamahinang depensa?
Ang mga ito, ay mga pansariling pahayag ng negatibong ebidensya na hindi puwedeng bigyan ng mas matimbang na paningin sa harap ng deklarasyon ng isang kapani-paniwalang biktima na nagsasabing ginawa nga sa kanya ang inirereklamo niya. Bihira na nangyayari ito na mas pinapaboran ang tahasang pagtanggi lamang ng inaakusahan.
Sa panghuling pananalita, sabi ni Prosec. Haban na hindi raw napatunayan o napagtibay kung paano ang mga elemento sa kasong rape ay makikita sa kasong kanyang dinidinig na maaÂring magbigay sa kanya ng isang, ‘reasonable or well-founded belief that the act being complained of constitutes an offense charged’.
Andyan ka na naman Prosec. inilalagay mo na naman sa iyong mga kamay ang tungkulin ng isang hukom sa isang korte.
Ang mga elemento kung meron ngang nangyaring rape o hindi at ang paninimbang ng mga ebidensya laban sa nasasakdal o inaÂakusahan ay ‘evidentiary in nature’ at ang katotohanan nito ay mapapatunayan lamang matapos ang isang malawakang paglilitis.
Napaka-imposible naman na siguruhin ang mga puntos ng kaso ng ‘complainant’ na hindi dumadaan sa isang malabutas ng karayom na imbestigasyon at paninimbang ng hukom at abogado ng akusado.
Ang basehan ng mga sinasabi ng nagrereklamo ay higit na mas magaling na maisiwalat sa isang paglilitis sa halip na isang ‘Preliminary Investigation’.
Si Apple ay naghain ng Motion for Reconsideration at hinihiling na itong si Prosec. Haban ay magliban (Motion to Inhibit) sa kasong pinag-uusapan. Ito’y sinumite niya sa Office of the Provincial Prosecutor at binigyan niya rin ng kopya ang kagalang-galang na Kalihim ng Katarungan Leila De Lima at pati na rin kay Prosecutor General Claro Arellano para naman makaabot sa kaalaman ng Department of Justice (DOJ) ang obra maestrang resolusyon ni Assistant City Prosecutor Ronald Leo T. Haban.
MINSAN pa gaya ng una naming paanyaya, bukas ang aming tanggapan para kay Chief Superintendent Jimmy Fajardo Restua para sa mga bagay na gusto niyang linawin o ibigay ang kanyang panig.
SA gustong dumulog ang aming numero 09213263166(Chen), 09198972854(Monique) at 09213784392(Pauline). Ang aming Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami Lunes hangang Biyernes.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest