^

PSN Opinyon

Matagal nang isyu

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPAKATAGAL nang isyu ang pagpasok ng mga segunda manong imported na sasakyan sa bansa. Ilang beses nang nalalagay sa balita ang mga hinuli umanong segunda manong imported na sasakyan, dahil may batas na sakop ito. Pero dahil maraming magagaling na abogado, at malakas magsalita ang pera kaysa sa batas, nailalabas pa rin at patuloy ang pasok ng mga sasakyan! Palabas lang ang isinagawang pagsira sa ilang mga sasakyan na nahuli umano sa Subic noong Arroyo administration. Ilan lang ang dinurog samantalang napakaraming sasakyan ang nakapasok!

Kung naging mahigpit naman sa port ng Maynila, Subic at Cebu, may nakita namang bagong lugar para mailabas ang mga sasakyan, sa Port Irene sa Sta. Ana, Cagayan. Ang patakaran hinggil sa pagpasok ng mga segunda manong sasakyan sa mga special economic zones tulad ng Subic at Port Irene, ay dapat sa loob lamang ng lugar na sakop ng special economic zone puwedeng gamitin ang sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali, ang EO 156 ang batas na nagbabawal sa pagpasok ng mga segunda manong sasakyan, maliban sa Subic pero may mga limitasyon ang paggamit ng mga sasakyan. Pero katulad ng sinabi ko, mga magagaling na abogado ay nakahanap umano ng butas sa batas, kaya nagagawan ng paraan ang paglabas sa Subic ng mga nasabing sasakyan na may kinaukulang legal na dokumento. Ayon naman sa mga opisyal na nagpapatakbo sa Port Irene, Subic lang daw ang sakop ng EO 156, at hindi sila o iba pang special economic zone. Kaya ang laban ngayon ay nasa korte na.

Medyo nakuha ng gobyerno ang round one, sa paha-yag ng Korte Suprema kung saan pinahinto ang paglabas ng 200 sasakyan na dumating kailan lang sa Port Irene. May balita na may 400 sasakyan pa ang parating! Mapapansin nga sa kalsada ngayon ang maraming imported na sasakyan na may mga plakang nagsisimula sa “B”. Alam na kaagad na galing Port Irene. Tila napakamura na nga ng mga BMW, Mercedes, Audi, Porsche at Maserati! Binabayaran naman daw ang kinaukulang buwis, kaya puwede nang ilabas umano ang mga sasakyan mula sa Port Irene. Butas na naman na nahanap ng mga abogado, o nagsalita muli ang salapi sa sitwasyong ito?

Dito makikita ang political will ng kasalukuyang admi-nistrasyon, kung kaya talagang patigilin na ang pagpasok ng mga segunda manong sasakyan sa Port Irene o kung saan pa, at istriktong patuparin ang mga patakaran na sakop ng EO 156. Lumalabas na smuggling ang nagaganap na sa Port Irene, dahil hindi naman talaga puwedeng magpasok ng segunda manong  sasakyan, bukod sa mga saklaw ng patakaran ukol sa mga special economic zones. Hindi pa tapos ang boksing at round one pa lamang. Pero ang tanong, may makalabas kaya na mga sasakyan mula sa Port Irene habang pinagtatalunan pa ang EO 156? Sa tingin ko, oo, pa rin.

 

ALAM

AUDI

IRENE

KORTE SUPREMA

PERO

PORT

PORT IRENE

SASAKYAN

SUBIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with