^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Siguruhin, kaligtasanng students sa field trip

Pilipino Star Ngayon

HINDI pa natatagalan nang mapabalita ang nangyaring pagkalunod ng isang estudyante habang nasa field trip sa isang bayan sa Bataan. Nakatuwaang maligo ng mga estudyante nang tangayin ang biktima.

Hindi lamang pagkalunod ang nangyayari sa mga estudyante habang may field trip. Mayroon ding nasasagasaan, nadudulas at nababagok ang ulo at nahuhulog sa hukay at kung anu-ano pang mga masasamang pangyayari.

Sa kabila ng mga masasamang nangyayari sa mga estudyante habang nasa field trip, patuloy pa rin ang gawaing ito at walang balak ang mga eskuwelahan na ihinto. Ito ay sa kabila na maraming magulang, grupo at iba pang concerned citizens ang nagpahayag na dapat nang itigil ang ginagawang field trip. Hindi na raw dapat gawin ito sapagkat inilalagay lamang sa panganib ang buhay ng mga estudyante.

Ang pinaka-latest na insidente sa field trip ay nang masagasaan ang dalawang estudyante kung saan namatay ang isa at nasa malubhang kalagayan naman ang isa pa. Nagsagawa ng field trip ang mga estudyante ng isang school sa Bulacan at ang Camp Capinpin sa Tanay, Rizal ang kanilang pinuntahan. Umano’y tapos na ang mga estudyante sa paglilibot sa naturang kampo ng army at nag-akyatan na sa bus ang ilan samantalang ang iba pa ay naglalakad-lakad sa paligid.

Hanggang sa isang tourist bus na sinakyan ng mga estudyante ang nasira ang handbrake at hindi kinaya ang nakakalso sa gulong ang tuluy-tuloy na gumulong pababa at nasagasaan ang dalawang estudyante.

Maraming bumatikos sa field trip. Alisin na raw ito. Pero sabi ng Department of Education (DepEd) hindi aalisin ang field trip. Malaki raw ang naitutulong ng field trip sa kaalaman ng mga estudyante.

May katwiran ang DepEd na nakatutulong ang field trip sa mga estudyante subalit dapat din naman silang magpalabas ng mga guidelines kung paano mapoprotektahan ang mga estudyante. Siguruhin ang kaligtasan ng mga estudyante. Maging maingat sa pagkuha ng mga sasakyang bus. Siguruhing may sapat na karanasan ang mga driver. Kung maaari, mayroong nakabantay na mga guro sa mga bata para maiwasan ang anumang malagim na aksidente.

ALISIN

BULACAN

CAMP CAPINPIN

DEPARTMENT OF EDUCATION

ESTUDYANTE

FIELD

HANGGANG

TRIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with