^

PSN Opinyon

1st week of March mangngikil este mali maniningil pala ang mga kargador sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MABIGAT ang ibabayad ng mga departing at arriving passengers na may mga dalang bagahe at gustong kumuha ng serbisyo o magpatulong sa mga porter sa Ninoy Aquino International Airport papuntang abroad o pabalik ng Philippines my Philippines.

Sa ‘praise release’ este mali press release pala ng pamunuan ng Manila International Airport Authority magbabayad ng P50.00 per luggage or an equivalent of US$1.00 ang lahat ng mga departing or arriving passenger na gustong mag-avail ng serbisyo ng mga tinaguriang kargador sa mga international flights kaya bayad sila sa bawat bagahe na bubuhatin ng mga porter, Take note, hindi libre ang mga tinaguriang  ‘bayani ng bayan’ o OFW’s  na gustong gumamit ng porter services na mga pasahero ng international flight simula sa March 1, 2013.

Sabi nga, mapa-bata o matanda, bulag man o may kapansanan basta gustong mag-avail ng kargador hanggang sa mai-sakay sa mga sasakyan, ‘bayad’ kayo !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hindi gagamit o hihingi ng tulong sa mga kargador para sa kanilang mga dalang bagahe ay libre at lusot sa ipatutupad na singilan blues.

Take note, iba pa ang  ‘tip’ kasi ibang usapan ito, Hehehe !

Ang paggamit ng pushcart ay ‘free of charge’ basta ang gagamit ng mga kargador na international passengers ang may bayad.

Sabi ng mga pa-bright-bright sa MIAA, ang pagsasa-gago este mali pagsasa- pribado pala ay makakatulong ng malaki para kumita ng husto ang airport at magamit ang salapi sa improvement, upgrading of facilities at serbisyo sa NAIA.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ANG MIAA Board of Directors  ang nagbigay ng kontrata sa sinasabing professional service provider – H and K, Inc. o  Hire and Keep, Inc., na nag-sumite ng magandang payola este mali best offer pala sa umano’y public bidding noon January 25,2013 ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Ilan kaya silang naglaban sa bidding ?

Sagot - sila lang ? Hehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang MIAA management ay kukupit este mali kukuha pala ng 10 percent sa kabuuan kita ng porterage services revenue.

Ika nga, monthly ?

Sabi sa ulat, noon may bayad pa na US$1.00 ang pushcart na pinagkitaan ng todo sa NAIA ng mga tuta ng mga dating nagsi-upo sa inidoro este trono pala ‘nabubulsa’ este mali kumikita pala ng P300-million annually sila kaya ito ang pinag-aagawan ng mga kamoteng bagong upo sa airport.

Kaya naman ng umupo si dating panggulo este mali Pangulo pala Gloria Macapagal Arroyo sa malakanin mali Malakanyang pala nagbaba ito ng kautusan noon Marso  2001, na huwag singilin ang lahat ng pasahero sa mga international at domestic airport sa NAIA kaya naman ang MIAA ang sinasabing nagpasan ng krus para sa mga maintenance, repair, at replacement ng mga pushcart.

Sabi nga, nagka-bulok - bulok, nagka-windang - windang at nagkasira-sira ang mga pushcarts dito .

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon ay may mga nag-donate raw ng mga bagong carts at ang mga advertisement na nakalagay sa mga cart ay sinasabing may bayad daw ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

‘Yari ang mga balikbayan dito galing US of A dahil marami silang dalang balikbayan boxes pansalubong sa kanilang mahal sa buhay at ang mga OFW’s o Bayani ng Bayan dahil kada isang bagahe sa Marso ay may bayad na’ sabi ng kuwagong matakaw sa pera.

‘Ano kaya ang mangyayari sa bagong pakulo ?’ Tanong ng kuwagong mentally retarded.

vuukle comment

AYON

BOARD OF DIRECTORS

ESTE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

H AND K

KAYA

PALA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with