Dapat alamin din: Bakit armado ang 13 minasaker sa Atimonan
“WALANG shootout.†Pinagtibay ito ng National Bureau of Investigation sa pagsuri sa pagpatay ng pulis at sundalo sa 13 lalaki sa dalawang SUV sa Atimonan, Quezon, nu’ng Enero. Sa dami ng bala ng M-16 na ipinutok ng 15 pulis at 25 sundalo sa dalawang sasakyan, at sa dami ng tama ng punglo sa ulo ng 13 lalaki, halatang ambush.
Sumpa ng dalawang saksi na hindi totoong sinuway ng mga SUV ang main checkpoint ng pulisya at militar. Meron silang nadaanang unang checkpoint, na nag-abiso sa main checkpoint na paparating na ang inaabangang mga SUV. May ikatlong checkpoint na pina-iiwas ang iba pang mga sasakyan sa main checkpoint. Sa pangingisay ng isa sa minasaker ay nakalabit ang baril, kaya tinamaan sa tuhod at braso si Supt. Hansel Marantan, pinuno ng main checkpoint. Tapos, “niretoke†ng mga pulis ang eksena para magmukhang nagka-barilan.
Kasong multiple murder ang isasampa ng NBI laban sa mga pulis at sundalo. Pero kailangan maipaliwanag din ng NBI ang misteryong ito: Bakit nakuhanan ang 13 minasaker ng tig-isang baril na lisensiyado o naka-mission order, at isang hindi rehistrado? Bakit sila — kabilang ang isang police colonel at dalawang ayudante, isang Air Force captain at sergeant, at tatlong Army intelligence men — bumibiyahe nang armado?
Kapag masagot ang mga tanong, matutukoy ng NBI ang motibo sa pagpatay sa 13 lalaki. Mapapatibay ang kaso, mapapakulong ang mga salarin. Kabilang sa 13 si Vic Siman, umano’y gun-for-hire at jueteng lord. Galing sila sa Camarines Norte, kung saan nakipag-kita sa bagong kasosyong Ronnie Habitan sa gold mining at security services. May dala raw silang maleta ng pera. Niregaluhan si Siman ni Habitan ng gintong lighter, halagang P500,000. Pero bakit sila bumibiyahe nang armado?
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest