Mga dapat tandaan para maiwasan ang cancer (Ika-2 bahagi)
MAHALAGANG malaman ng bawat isa kung paano makakaiwas at kung paano made-detect nang maaga ang cancer. Narito ang karugtong ng serye:
5. Mahalaga ang oral hygiene at dental care para hindi magka-cancer sa oral cavity. Huwag ngumuya ng nganga (betel nut and lime) o isubo ang sigarilyo na may sindi na gaya ng ginagawa ng mga matatanda. Ang mga may white patches sa bibig ay nararapat mag-take ng Vitamins A, B. C, at E.
6. Iwasang magbilad sa araw sa katanghalian. Ang warts at nunal na irritated at napapansing lumalaki, nagbabago ng anyo, kulay at nagdudugo ay kailangang ipaalis. Ang mga trabahador na laging may contact sa chemicals at iba pang irritating substances ay nararapat hugasan ang kanilang balat nang madalas.
7. Iwasan ang madalas na exposure sa substances na gaya ng asbestos, at chromates sapagkat ang mga ito ay nagiging dahilan ng cancer.
8. Nararapat magpabakuna laban sa Hepatitis B ang mga taong nasa isang lugar na mataas ang panganib sa nasabing sakit. Ang Hepa-B ay maaaring maging dahilan ng liver cancer.
9. Nararapat iwasan ng mga babae ang pagsusuot ng lift-up bras na may bone or metal support. Payo naman sa mga ina na i-breastfeed sa lahat nang pagkakataon ang kanilang mga sanggol.
10. Ang mga lalaki at babae na 40-anyos pataas ay dapat sumailalim sa yearly stool and rectal examinations. Ito ay para sa early detection ng cancer sa colon at rectum. Dapat ding sumailalim sa Barium enema x-ray or recto-sigmoid colonoscopy. Ang mga lalaking nasa 60-pataas ay dapat magpaeksamen ng prostate. Dapat sumailalim sa PSA lab exam.
11. Ang mga babaing nasa unang stage ng pagÂbubuntis ay dapat iwasan ang pag-take ng Diethylstilbestrol samantalang ang mga babaing nag-menopaused ay hindi dapat magtake ng estrogen hormones. Dapat munang kumunsulta sa kanilang doktor.
(Itutuloy)
- Latest