Pagtitiyak ng kaligtasan sa construction industry
BASE sa ulat ng pamahalaan, ang lokal na construction industry ay patuloy na sumisigla laluna sa tulong ng programang public-private partnership. Sa kasalukuyan. may mahigit P500 bilyon halaga ng construction projects na nakatakdang isagawa o kaya ay nasimulan na.
Pero sa gitna ng progresong ito ay marami ring nakikitang occupational risks and hazards pati na rin ang mga aktuwal nang nagaganap na sakuna sa mga construction project. Sa nagdaang mga panahon ay marami na tayong nabalitaang mga manggagawa na nahulog mula sa mataas na palapag ng ginagawang gusali o anumang istraktura, mga nabagsakan ng mabibigat na bagay, nasugatan ng matutulis o matatalim na construction materials, at iba pa.
Kaugnay nito, isinusulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang Senate Bill 3391 (Occupational Safety and Health in the Construction Industry Act). Batay sa panukala, masusing ipatutupad sa lahat ng construction project ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) program na binalangkas ng Department of Labor and Employment alinsunod sa Labor Code of the Philippines.
Ilan sa mga probisyon ng OSHS na kailangang tiyakin sa mga lugar-paggawa ay sapat na construction safety signages, propesyunal na emergency health provider at kaukulang pasilidad, general safety and health inspection, personal protective equipment ng mga empleyado, at regular na pagsasagawa ng construction safety and health reports at pagsusumite nito sa nakasasakop na sangay ng DOLE. Ang pagtitiyak ng safety standards sa construction sites ay responsibilidad ng lahat ng kinauukulan – manggagawa, employer, conÂtractor, at ng pamahalaan.
Itinatakda sa panukala ni Jinggoy ang parusa sa mga lalabag sa safety standard, habang bibigyan naman ng reward and incentive ang mga tutupad nito upang maging huwaran ng iba pang mga nagsasagawa ng construction project.
- Latest