^

PSN Opinyon

Krimen, katiwalian tumatakot sa turista

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang maliliit na paliparan kundi ang pangunahing airport ng bansa ang nakaka-turnoff sa mga turista. Kulang sa toilets sa Manila International Airport. Sinisingil nang P550 bawat paalis na international pasahero, at P200 ang domestic, pero wala ni water fountains. Parating sira ang aircon, escalators, x-ray machines, baggage carousels.

Ang kararating na pasahero ay gustong makalabas agad. Pero ano ang sasalubong sa kanya sa kalye? Kumakalat ang babala na ito sa Internet, may kasamang mga retrato ng modus operandi:

“Mag-ingat sa mga lalaking ito. Bandang alas-9 ng umaga, pagkalabas namin ng Terminal 1, sa may ilalim palang ng flyover, may grupo silang nagha-harass ng mga motorista. Kinakatok nila ang mga sasakyan habang traffic, may sumasampa sa running board, sabay punas sa windshield, tinaas pa nga ‘yung wiper namin. Binuksan ng driver namin nang konti ang bintana para iabot ang P20, pero ayaw pa rin nila umalis. Kahit na umaandar na kami, nakasabit pa rin sila. Sinasara na ng driver namin ang window, umungol ang isa: “Kuya, ang daliri ko! Pangkain lang, kuya, sige na.” Bumitaw lang siya nang makita niya ako na naglalabas ng camphone at itinutok sa kanila.

“Nakuhanan ko ‘yung nasa harap namin na Isuzu Crosswind, na pinahinto din ng kasamahan nila. Nakabukas nang husto ang driver’s window, kaya buong braso at dibdib ng lalaki ang naipangharang para hindi ito maisara. Isa sa kasapakat nila ay hinalungkat pa ang glove compartment habang nililito ang driver.

“Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila kasi nag-overtake na kami. Pero nakakatakot, kasi mga pito hanggang sampung lalaki sila.”

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

 

BANDANG

BINUKSAN

BUMITAW

ISA

ISUZU CROSSWIND

KAHIT

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with