^

PSN Opinyon

Mahalagang batas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA gitna ng bangayan ng mga senador, mukhang may nagawa namang trabaho. Ipinasa na sa huling pagdinig ang batas na nagpapataw ng mga multa at mas mabigat na parusa sa mga mahuhuling nakainom habang nagmamaneho ng sasakyan, o kaya’y nasa impluwensiya ng iligal na droga. Ang multa ay depende sa nilabag na batas. Halimbawa kung may nasaktan, kung may namatay o wala. At obligadong sumailalim sa isang alcohol and drug testing ang mga mahuhuli kapag may nasaktan o may namatay. Para maiangat sa mas malalang paglabag ang kaso, at hindi lang rekless imprudence. At para na rin sa lugar mismo ng aksidente, alam na kung lumabag o hindi.

Pero kung patutuparin nila ang bagong batas na ito nang maayos, kailangan may mga kagamitan ang lahat ng pulis para masukat ang lebel ng alcohol o droga sa katawan ng mga mahuhuli. May aparato kung saan hini­nga lamang ang kailangan para masukat na ang lebel ng alkohol sa katawan. Napakaraming aksidente ang nagaganap dahil sa lasing ang nagmamaneho, pero tila nakakalusot dahil wala namang sapat na panukat sa oras mismo ng aksidente. Kaya hindi na rin naisasama sa kaso, o baka nakakalusot dahil sa naaareglo na sa mga pulis, at sa biktima. Sa batas na ito, kakasuhan kaagad ang mapatunayang lumabag dahil may ebidensiya kaagad. Pero magagawa lang iyan kung may mga kagamitan, at mga marunong gumamit na hindi mabibili o mababayaran! Alam na ninyo ang ibig kong sabihin.

Kung makitang lasing o nasa impluwensiya ng droga, mapapalakas kaagad ang kaso laban sa kanila. Bukod sa multa, puwedeng masuspinde o makansela ang lisensiya o kaya’y makulong, depende sa bigat ng kasalanan. Panahon na talaga para sa mas mabigat na parusa sa mga mahuhuling lasing o naka droga habang nagmamaneho. Noon, magaan lang ang parusa dahil wala naman talagang batas na may mabigat na parusa. Maraming nakakalusot, at malalasing na naman sa ibang araw, hanggang sa makapatay na ng tao! Kailangan sa lugar mismo ng aksidente, alam na kung lasing o hindi, para wala nang lusot.

Magpatuloy kaya ang bangayan ng mga senador? O magtatrabaho na sila?

ALAM

BUKOD

HALIMBAWA

IPINASA

KAILANGAN

KAYA

KUNG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with