^

PSN Opinyon

Kaso ng machine operator

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NAGTATRABAHO si Sammy bilang machine operator sa AM Industries Inc. (AM). Makaraan ang 12 taon ng serbisyo sa AM, nagsumite siya ng emergency leave of absence sanhi ng pagkakaospital ng kanyang anak dahil sa acute gastroenteritis. Nang bumalik siya sa trabaho makalipas ang tatlong araw, agad siyang nakatanggap ng 30 day suspension notice. Ayon sa abiso ng pagsuspinde sa kanya siya raw ay lumabag sa alituntunin ng kompanya dahil sa pagsisinungaling na nakakapinsala sa negosyo at ang hindi niya pakikipagtulungan sa kanyang katrabaho at hindi pagsunod sa nakatataas sa kanya.

Kaya, nagsampa ng reklamo si Sammy ng illegal suspension laban sa kumpanya at sa may-ari nito sa regional arbitration branch ng NLRC.  Samantala nang matapos ang 30 araw ng pagsuspinde kay Sammy, sinulatan siya ng kompanya upang muli itong mag-report sa trabaho.  Subalit tumanggi si Sammy kaya muli siyang pinadalhan ng AM ng abiso na nagbibigay sa kanya ng 5 araw upang magpaliwanag kung bakit hindi dapat siya matanggal nang abandonahin niya ang kanyang trabaho.  Sa kanyang panig, sinabi ni Sammy na hindi na raw siya dapat sumagot pa dahil nakabinbin  ang isyu ng ilegal na pagsususpinde sa labor arbiter kaya hindi siya nakakapasok sa trabaho.

Dahil hindi naging sapat ang paliwanag na ito ni Sammy, inabisuhan siya ng AM at pagkatapos ay tinanggal sa serbisyo.  Kaya pinalitan ni Sammy ang kanyang reklamo mula sa illegal suspension sa illegal dismissal. Subalit dinismis ng labor arbiter ang reklamong illegal dismissal.  Sa apila sa NLRC, pinaboran siya ng NLRC at iniutos nito ang kanyang reinstatement, without loss of seniority at backwages ng tatlong taon.  Subalit sa apila sa Court of Appeals, kinumpirma nito ang desisyon ng labor arbiter.  Ayon sa CA, balido ang pagkakatanggal sa serbisyo ni Sammy.  Ang hindi raw nito pagsunod sa utos ng AM na bumalik sa trabaho matapos ang 30 araw ng pagsuspinde ay isang paglabag sa kautusan ng kompanya.  Bukod pa rito, ang pagpapalit ni Sammy ng reklamong illegal dismissal mula sa illegal suspension ay hindi nakapagpabago ng pag-abandona niya sa trabaho.  Tama ba ang CA?

MALI.  Ang pagsampa ng reklamong illegal dismissal ni Sammy ay nangangahulugang gusto pa niyang ipagpatuloy ang serbisyo sa AM.  Hindi naman napatunayan ng AM na may intensiyon siya na abandonahin ang trabaho nito.  Kaya, siya ay ilegal na na­ tanggal sa serbisyo.  Dapat na ibigay sa kanya ang bene-pisyo at backwages mula nang siya ay matanggal hanggang siya ay maibalik sa serbisyo. Suba­lit, dahil nagkalamat na ang relasyon sa pagitan ng AM at ni Sammy, nararapat na gawaran na lamang siya ng separation pay katumbas ng isang buwan kada taon ng serbisyo sa halip na bumalik sa serbisyo (Samarca vs. Arc-Men Industries, G.R. No. 146118 October 9, 2003).

ARC-MEN INDUSTRIES

AYON

KAYA

SAMMY

SERBISYO

SIYA

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with