‘Damaso’
HINDI ako pabor sa ginawa ng pro-RH bill activist na si Carlos Celdran na hinatulang makalaboso ng isang taon dahil binulabog ang isang misa sa Manila Cathedral para tuligsain ang mga paring tumututol sa Reproductive Health Bill na ngayo’y batas na.
Kilala na si Celdran ngayon sa alyas na “Damaso†ang pangalang nakatatak sa malaking placard na bitbit niya nang mag-martsa sa loob ng Cathedral na umagaw sa atensyon ng mga nagsisimba.
Si Padre Damaso ay bantog na karakter sa Noli Me Tangere ng bayaning si Jose Rizal na naglalarawan sa kapalaluan at pang-aabuso ng mga prayle sa kanilang kapangyarihan.
Ngunit hindi naman napakalaking kasalanan ito para hindi tapatan ng kapatawaran ng Simbahang Katoliko. Maging si Presidente Noy ay nananawagan na patawarin na si Celdran na isang tourist guide sa Intramuros.
Sabagay puwede pa namang iapela ang kaso o kaya’y mag-apply ng probation ang sinentensyahan para hindi na maghimas ng malamig na rehas. Ang puntos lang natin ay ginawa ni Celdran ang mapangahas na one-man rally upang ipahayag nang malaya ang kanyang damdamin tungkol sa isang maselang usapin. Mahigpit na tinututulan ng mga relihiyoso ang RH law porke ito raw ay humahadlang sa buhay.
Kahit si Celdran ay nagsasabing hindi niya pinagsiÂsisihan ang pangyayari bagama’t sinabing ito’y pagharang sa kanyang kalayaang magpahayag. Oo nga naman. NaÂipahayag niya sa publiko ang kanyang matibay na paninindigan para mapagdibay ang RH bill na ngayon nga’y isang batas na sa kabila ng pagtutol ng simbahan. Ang kaso kailangan niyang harapin ang resulta ng kanyang ginawa.
Pambihira ang mga taong gaya ni Celdran na mayroong “guts†para i-dra matize ang mga isÂyung pinaninindigan at ipinag lalaban niya. Hindi man ako pabor, iginagalang ko iyan na may kasamang pagÂhanga.
Wika nga sa Inggles “difÂferent folks, different strokes†o kani-kanyang esÂtilo at pakulo. At least sumikat si “Damaso†sa kanyang adbokasya.
- Latest
- Trending