^

PSN Opinyon

“Hindi itataas ang puting bandila

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Naisaulo na ng isang sundalo ang mukha ng peligro. Naamoy niya kapag ito’y dumarating na, nararamdaman niya lalo ang pagkilos nito kung ito’y malapit na sa kanya.

At sa oras na sila’y magkaharap nang mata sa mata, ang unang kumurap—sa segundong iyon na nawala, ang iyong ikatatalo.

Sa ganito tinasa ang isip ni Retired Master Sgt. Charmie Palencia simula nung mapabilang siya sa Armed Forces of the Philippines nung 1978 sa edad na 23 sa sangay ng Philippine Army.

Iisang hulmahan ang ginamit sa kanila kaya’t kung titignan, iisang mukha.. iisang anyo ang meron silang lahat.

Nawawala ang kanilang katangian, dinisenyo sila para gawin ang iisang katungkulan.. ang sumunod, ipagtanggol ang  konstitusyon at protektahan ang mga mamamayan.       

Iba’t-ibang pangil ng panganib ang kinailangang lusutan, ngunit isang pangyayari ang pinag-ugatan ng isang panibagong kabanata ng kanyang mahabang pakikipaglaban.

Alas-2 noon nang madaling araw ng Oktubre 12, 1987 sa Brgy. Baanan, Magdalena, Laguna  kasalukuyang “off duty” at natutulog si Charmie  kasama ng kanyang mag-iina sa loob ng tinitirahang “foxhole”.

Kalsada lang ang pagitan, walang nakaramdam na pitong rebelde ang naka-pusisyon sa tuktok ng kahating bundok at sinimulan silang pagbabakbakan ng bala.

Mala-impyerno ang pagyanig ng lupa habang umuulan ng mga ‘rifle grenade’ sa paligid. Habang namamanhid ang tenga sa pagkatulig ng lahat, inihahanda na ni Charmie ang kanyang M16 para lumabas.

Katumbas sunod-sunod na mga putok ang bagal ng segundong inantay niya upang pakiramdaman kung masusundan pa ang atake.

Matapos ang isang oras na pag-poste, nung masiguradong klaro na ang paligid, mababaw na pagtulog na lang ang nagawa ni Charmie.

Bandang alas-4 ng madaling araw, isang malakas na pagsabog ang nadinig nila mula sa ‘di kalayuan. Alas-7 ng umaga nalaman nilang mula sa Station Commander ng PC/INP Magdalena na pinasabog ng mga rebelde ang tulay sa may Brgy. Cigaras.

“Ikaw! Ikaw! Ikaw! Sakay sa 6x6!” isa-isa nang binunot ang mga naka-hilerang mga sundalo kasama si Charmie.

Pumuwesto siya sa hulihan ng 6x6, kasama ang labing-siyam na mga sundalo at isang opisyal.

Agad na umalis ang buong grupo, ngunit wala pang dalawang kilometro, sinalubong na sila ng sunud-sunod na pagsabog ng bombang nakabaon sa lupa (“landmine”) sa gilid ng daanan.

Halos mahubaran sa lakas ng puwersa ng hangin, pinagraratrat niya ang  madawag na pinagmulan ng pagsabog.

Napadapa ang buong grupo, hanggang sa hindi inaasahang sumalpok sa dalawang puno ng niyog ang kanilang sinasakyan at tumagilid sa daan.

Mabilis na gumapang ang lahat para pumusisyon. Dito na naram­daman ni Charmie na may tumutulong dugo mula sa kanyang ulo. Pagkapa niya dun niya natunton na nadaplisan siya ng tama ng bala sa ulo.

Sa bayan ang putukan na tumagal sa loob ng sampung minuto hanggang sa dumating na ang mga ‘re-enforcement’.

Dineretso sila sa kanilang Headquarters at dalawang oras ang tiniis nila bago nakarating ang mga helicopter na susundo sa mga sugatan upang dalahin sa V. Luna Medical Center.

Nung sumunod na linggo lumuwas mula Bicol ang  kanyang ina para dumalaw kay Charmie. Matapos ang dalawang linggo, na-obliga si Charmie na ihatid ang noo’y may sakit na ina pabalik ng probinsya.

Nobyembre 28, 1987 kumuha ng “6 day pass” si Charmie para sa isang Leave of Absence.

Nung mapirmahan na ang kanyang pass ni F/Sgt. Visperas, nag-ulat siya sa kanyang Coy Ex-O na si 2Lt. Marquez. Pinaderetso naman siya nito kay Batallion Commander Busiños dahil wala noon ang  kanyang Commanding Officer na si 1Lt. Abuan.

Pagdating kay Bat. Comm. Busiños, nagtaka ito, “Bakit ako na ang  pipirma, eh wala pang pirma ang  CO mo(1Lt. Abuan)?,” tanong nito.

“Nandyan naman si Major Fariñas, sa kanya mo na lang papirmahan,” sabi ni Bat. Comm. Busiños.

Pagdating kay Ex-O Fariñas tumanggi ito, “Sa iyo may instruction, sa akin wala kaya hindi ko pipirmahan ‘yan. Antayin mo na lang muna ang  CO mo,” sabi ni Ex-O Fariñas.

Natagalan pa bago dumating si 1Lt. Abuan, kaya’t nung mapirmahan nito ang  kanyang pass, nakaalis na si Bat. Comm. Busiños.

Sa pag-aalala sa ina, matapos makapag-duty nung araw na ‘yon ay tumuloy ng alis si Charmie kahit hindi naaprubahan ang kanyang pass.

Pagbalik ni Charmie sa headquarters pagkatapos ng labing-tatlong araw, sumalubong sa kanya ang isang “Discharge Order”  bunga ng paglabag sa Art. Of War 62 o Absence Without Official Leave.

Disyembre 9, 1987 matapos ang  imbestigasyon, na-“discharge from military service” si Charmie, na naging epektibo nung Pebrero 23, 1988.

Inapila ni Charmie ang Discharge Order at pagkaraan ng anim na taon—Agosto 15, 1994 napawalang bisa ito at siya’y, nabalik sa serbisyo (“reinstatement”) “due to humanitarian reasons”.

Bunga nito, nais ngayong habulin ni Charmie ang anim na taong nawala sa kanya(“backpay”)  dahil sa kanyang pagkakatanggal sa serbisyo.

Ayon sa kanya, may nilalaman sa mga panuntunan ng AFP na makakasuporta para mapatunayang dapat niyang makuha ang 6 na taong nawala sa kanya. Pinanghahawakan din niya ang nakuha niyang legal na opinyon mula sa Judge Advocate General Office (JAGO). Bagamat pumabor sa kanya ito, binalewala ito ng Office of the Deputy Chief of Staff for Personnel, J1 (J1). Alamin ang naging basehan ng J1 kung bakit hindi nila pinakinggan ang legal na opinyon ng JAGO.  Ano ang mga sumunod na ginawa ni Charmie para ipaglaban ang palagay niyang tama?

“Ipaglalaban ko ‘to, at sa mga sasabihin ko, mayayanig ang  tangggapan ng Armed Forces of the Philippines,” pahayag ni Charmie.

Abangan ang  nilalaman nito sa Miyerkules EKSKLUSIBO dito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

(KINALAP NI PAULINE F. VENTURA) Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393 . Ang  landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

Follow us on twitter: Email: [email protected]

ABUAN

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUSI

CHARMIE

DISCHARGE ORDER

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with