^

PSN Opinyon

‘Mall’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TODO alerto ngayon ang seguridad sa mga malls dahil sa isang insidenteng naganap noong nakaraang Sabado sa Mandaluyong.

Nababahala ang mga operatiba at kinauukulan sa dumaraming kaso ng mga krimen na nagaganap sa loob ng malls.

Kapansin-pansin ang lakas na loob na pagsasawalang-bahala ng mga kawatan para isagawa ang kanilang pagnanakaw sa kabila ng nagkalat na mga CCTV cameras at guwardiya sa loob ng establisyimento.

Subalit kamakailan lamang, isang modus operandi sa loob ng mall ang naiparating sa kaalaman ng BITAG.

Isang tipster ang nakapagsabi sa amin na mayroon ngayong kumakalat na babala sa internet hinggil sa modus ng grupong nandurukot ng mga bata sa loob ng mall.

Modus umano ng mga ito na sumalisi sa mga magulang ng mga batang naiiwan mag-isa sa mga palikuran o palaruan sa loob ng mall.

Sa pamamagitan ng pag-akit sa bata gamit ang laruan o pagkain, yayayain nilang sumama sa kanila ang bata.

Sa oras na sumama na ito, papalitan nila ang damit ng bata upang hindi sila mapaghinalaan.

May mga pagkakataon rin daw na maging ang buhok ay binabago ang ayos o ginugupitan upang walang makakilala dito.

Hinala ng ilan, maaaring isang sindikato ang nasa   likod ng modus ng pandurukot ng mga bata.

 Kaya naman babala ng BITAG sa lahat ng aming tagasubaybay ang dobleng-pag-iingat kahit pa nasa loob ng mga establisiyimento tulad ng mga mall.

Huwag ding hayaang mag-isa ang mga bata at siguruhing lagi silang nasa inyong paningin.

Tandaan na pampublikong lugar pa rin ang mga mall kaya’t huwag maging kampante at isipin lagi ang seguridad lalo na ng inyong mga kapamilya at mga anak.

BATA

HINALA

HUWAG

ISANG

KAPANSIN

KAYA

LOOB

MANDALUYONG

NABABAHALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with