Editoryal – Pagbayarin ang US Navy
NAG-SORRY ang United States Navy sa ginaÂwang perwisyo sa Tubbataha Reef. Pero hindi ito sapat. Hindi kayang i-repair ng “sorry†ang malaking sira na ginawa ng USS Guardian sa yamang dagat ng Pilipinas. Hindi kayang maghilom ang ginawa nilang sugat sa tahanan ng mga isda. Masyadong malaking perwisyo ang kanilang ginawa at ito ay hindi basta-basta masosolusyunan ng simpleng paghingi ng “sorryâ€. Ano sila sinusuwerte?
Maski si President Aquino ay nagsabing pagbabayarin ang US Navy sa ginawang pagsira sa portion ng Tubbataha. Mananagot aniya ang US sa nangyari. Ang Tubbataha ay dineklara ng UNESCO na World Heritage Site sa Sulu Sea.
Dahil sa pagsadsad ng minesweeping vessel sa reef, nakayod ang mga corals at nawasak ang mga pinaka-magagandang yaman sa pusod ng dagat. Habang nakasadsad, walang tigil sa paggalaw ang barko sapagkat sinisiklot ng alon. Sa bawat siklot, tumatama ito sa corals kaya lalong nadadagdagan ang sira. Kinatatakutan pa ang pagdating ng dalawang barko mula Singapore na mag-aangat sa Guardian. Lalo umanong mayaÂyanig ang Tubbataha sa gagawing pag-angat at madadagdagan pa ang damage sa corals.
Sa taya ng International environment conservation group, ang lawak ng coral reef na sinira ng Guardians ay 1,600 meters. Nagkakahalaga ng $300 per square meters ang nasirang corals. Sa kabuuan, ang halaga ng sinira ng Guardian ay umaabot sa $960,000 o P38-million.
Dapat pagbayarin ang US Navy sa ginawa. Katulad ng ginawa nilang pagbabayad sa Hawaii noong 2009 makaraan nilang sirain din ang coral reef doon. Nagkakahalaga ng $15-million ang binayaran ng US Navy sa Hawaii.
Hindi sapat ang “sorry†sa nangyari. Kapag binalewala ng US Navy ang panawagan na magbayad sila, marami na namang pagra-rally sa US Embassy ang isasagawa. Mayayanig na naman sila sa katulad ng ginawang pagyanig sa Tubbataha.
- Latest