^

PSN Opinyon

DTM at GJB sa LTO parehong palpak

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PINUNA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pakaang-kaang na action ng Commission on Audit para ilagay sa talaan ng blacklisted ang GJB Enterprises Inc., ang car plate supplier ng Land Transportation Office sa pagsali pa nito sa mga future bids para sa suplay at delivery ng  motor vehicle license plates dahil sa kapalpakan nitong gawin ang kanilang obligasyon nakasaad sa kontrata pinasok nila sa government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa 2011 report  nakuha ng COA, sinasabing  ang GJB Enterprises Inc., supplier ay binigyan ng  P21.3 million contract para sa ‘suprise’ este mali supply pala ng 82,862 aluminum sheeting materials para sa mga  motor vehicles at 39,922 sheets para sa motorcycle plates noong December 18, 2010.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ilalim ng kontrata, kailangang mai-deliver ng  GJB Enterprises Inc., ang 25 percent  ng kailangang aluminum plates sa loob ng 30 days mula sa issuance ng Notice to Proceed noong January 3, 2011 at ang full delivery  ay kailangang makumpleto na hindi lalampas sa  July 2011 o sa loob ng limang buwan matapos ang  initial delivery nito.

Ano ang nangyari?

Palpak!

Bakit?

Last December 31, 2011 nalaman ng COA ang GJB Enterprises Inc., ay may shortfall  na  49,762 motor vehicle plates at 21,887 motorcycle plates as of December 31, 2011.

Hindi ba may problema talaga?

Ano ang nangyari?

Sagot - ilang beses nang kinulit at napagbigyan ang GJB Enterprises ng palugit para tapusin ang kanilang obligasyon pero noong  June 30, 2012 o isang taon matapos ang original deadline, hindi pa rin naipadadala ang 20,262 motor vehicle plates at 11,887 motorcycle plates.

Naku ha!

Palpak nga.

Paano ngayon?

Dahil sa problema nagkaroon ng short deliveries ng mga vehicle plate ang LTO hanggang sa naging  malawakan na ang kakulangan ng produksiyon ng mga plaka ng sasakyan  noong nakaraang taon.

Ano ngayon ang sabi ng LTO tungkol sa problema?

Aminin este inamin pala ng LTO Property Division  dahil sa kawalan ng delivery ng aluminum sheeting materials ay lalung tumindi ang pangangailangan sa mga plaka dahil hindi inaasahan ang bugso ng mga irerehistrong sasakyan  sa ahensiya.

Sumaya ba naman ang mga carnapper, kidnappers echetera dahil sa kawalan ng mga bagong plaka ng sasakyan naging malaki ba naman ang bentahe nito sa mga kamote?

Itanong sa PNP?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pangyayaring kapalpakan may P4,328,619.03 worth ang penalty ng GJB Enterprises Inc., sa LTO para sa mga hindi nai-deliver na aluminum sheeting materials.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pumasok naman para palitan ang GJB Enterprises Inc., ng DTM company kung nagkaroon ng bidding o negosiated ba ito siguro ang DOTC noon panahon ni dating DOTC Secretary Mar Roxas ang makakasagot?

Bakit naman kailangan pang sagutin ang isyu tungkol sa DTM?

Palpak din ang DTM wala rin brandnew plates na maibigay dahil bagsak sila sa requirements na hinihingi ng LTO at DOST na nakasaad sa kontrata nito.

Paano ngayon ang madlang public?

Iyang siguro ang dapat busisiin ni DOTC Secretary Joseph Abaya at ng COA para malinawan ang madlang people kung bakit up to now ay sangkatutak na mga sasakyan ang tumatakbo sa kalye ng walang mga plaka.

Sabi nga, anong silbi ng ‘no plate, no travel’ policy ng gobierno lalo ngayon malapit na ang eleksyon?

Abangan.

ANO

BAKIT

DAHIL

ENTERPRISES INC

PALPAK

PARA

PLATES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with