^

PSN Opinyon

‘Ang Mutya at mga River Warriors’

- Tony Calvento -

NOONG unang panahon puro luntiang kapaligiran ang ating makikita, saan man tayo tumingin. Tulad sa Pasig, may pinakamahabang ilog na malinis at sariwang hangin ang malalanghap. Napapaligiran ng Water Lilies kung saan nakakahinga ang mga isda, mga naglalaba sa batis at naliligo dito.

Dito nga nagsimula ay kwentong may Mutya ng Pasig na lumalabas na may magandang tinig at umaawit.

Sa paglipas ng maraming taon dahil na rin sa ating kapabayaan, tuluyan na itong nalason. Ang dating malinaw at malinis na tubig nito, pinalabo at nagkulay tinta na dahil sa mga basurang walang pakundangang itinapon dito.

Ngayon, sa larawan na lang makikita ng mga batang henerasyon ang dating kagandahang taglay ng Ilog Pasig, ang pinaka-mahabang ilog na makikita sa Metro Manila. Nawala na rin ang Mutya ng Pasig dahil nandiri na rin.

Subukan mong lumangoy dito ngayon, tignan natin kung hindi ka masusulasok sa amoy at makakuha ng iba’t-ibang uri ng sakit. At kung minalasmalas ka pa kapag nakalunok ka ng tubig, magkakabukol-bukol ang iyong bituka. Hahayaan na lang ba nating mamamatay ang isa sa yamang taglay ng ating bansa? 

May mga grupo ng tao na gustong buhayin muli ito, isa na rito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang ABS-CBN Foundation Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig (KBPIP) sa proyektong pagsasa-ayos ng mga lokal na ‘waterways’ at pagpapagandang muli ng Ilog Pasig. Ito ay para sa mas malinis, malusog at ligtas na buhay para sa mga residenteng naninirahan dito.

Sa proyekto ito ay binigyang papuri ni PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat Jr. ang ABS-CBN Foundation para sa kahanga-hangang gawain ng kanilang foundation, kasama ang mga lokal na volunteers na binansagang ‘River Warriors’, sa pagsasa-ayos ng Estero de Paco.

 Nais pasalamatan ni Chairman Naguiat si Ms. Gina Lopez at ang mga kasamahan nito na bumubuo ng river warriors sa kanilang pagtulong.

 â€œSa lahat ng bansa, ang mga ilog ay malaki ang naitutulong sa kanilang pag-unlad. Kapag ang ating mga ilog ay hindi malinis at hindi dumadaloy ng maayos ang ating kaunlaran ay hindi natin maaatim”, mga pahayag na galing kay Chairman Naguiat.

Ipinahayag naman ng ABS-CBN Foundation Managing Director at Chairperson ng Pasig River Rehabilitation Commission na si Ms. Gina  Lopez ang kanilang pasasalamat sa PAGCOR para sa P20 milyong piso na donasyon na ibinigay nito noong 2010 sa pamamagitan ng isang ‘memorandum of agreement’ para sa pagsasa-ayos ng Estero de Paco at ang kalapit na Paco Market.

Sabi ni Ms. Lopez, “pinupuri ko ang PAGCOR, nakita nila ang kagandahan ng proyekto at naging mabilis ang kanilang desisyon na tumulong”.

Tone-toneladang mga basura ang naging dahilan ng pagbara ng mga creek na nag-uugnay sa ilog Pasig at mahigit na isang libong pamilya ng mga illegal settlers ang naninirahan sa kahabaan ng Estero de Paco.

Ito ang gahiganteng trabaho ang dapat nilang gampanan at naniniwala sila na hindi lang panaginip o isang magandang pangako ang mga katagang “sagipin ang ilog pasig”, kundi malapit na itong maging isang ganap na katotohanan.

Upang maging kaaya-aya muli ang ilog pagkatapos ng pagsasa-ayos at paglilinis nito. Lalagyan din ito ng iba’t-ibang uri ng mga halaman para sa isang malinis at magandang pasyalan. Bubuuin ito sa kahabaan ng magkabilang panig ng creek na kung saan ang mga residente at mga turista ay maaaring mamasyal at maglibang sa paglalakad. 

Ayon kay KBPIP Project Director Atty. Grace Sumalpong, ang kalahati ng P20 milyong donasyon ng PAGCOR ay gagamitin sa pagsasa-ayos ng creek. Ito ay upang alisin ang mga basura na nagmula na rin sa mga residente rito at kalapit na komunidad. Samantala, ang matitira ay gagamitin  para sa pagbabalik ng dating ganda ng   Paco Market, na isang ‘landmark’ na may 101-taon gulang na at isa sa pinakamatagal na palengke sa buong Maynila.

Ayon pa kay Atty. Sumalpong ang foundation kasama ang iba’t-ibang organisasyon at ahensya tulad ng PAGCOR, ay gumugol na ng mahigit P130 milyon piso sa pagsasa-ayos ng Estero de Paco. Ang proyektong ito ang naging modelo para sa iba pang planong pagsasagawa at pagpapaganda ng lahat ng creek na konektado sa Ilog Pasig.

Para sa lubusang panunumbalik ng dating ilog, dagdag pa niya na ang KBPIP kasama ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ay mayroon pang mahigit na 46 na estero sa kanilang listahan na lilinisin at isasa-ayos na may layuning matapos hanggang sa taong 2016.

Maliban kay Chairman Naguiat, dumalo rin sa inauguration ng proyektong ito sina PAGCOR President at COO Jorge Sarmiento, Assistant Vice President for Community Relations Henry Reyes, Assistant Vice President for Corporate Communications Maricar Bautista at Senior Executive Liaison Officer Ramon Stephen Villaflor.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sinubukan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing ‘way of transportation’ ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng ‘ferry’. Ngunit talaga naman nilalayuan ito ng mga tao dahil sa amoy at dumi ng ilog.

Sino ba naman ang gustong sumakay diyan papasok sa trabaho? Bagong ligo ka, mabango at maaliwalas ang pakiramdam, na sa iyong pagbaba ang matinding mabahong amoy ang didikit sa iyong damit at talaga naman lalayuan ka ng mga tao dahil amoy estero ka. 

Marami ng sumubok na linisin at buhayin itong ilog Pasig ngunit tila wala pa rin nagbabago. Mabuti na lamang ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga taong bumuo ng mga organisasyong PRRC, KBPIP at kaisa ang ahensya ng PAGCOR.

Sa pagpasok ng taong 2013 ang magandang adhikain ng PAGCOR at ng mga organisasyong ito ay patunay na ang mga Pilipino ay kailan man ay hindi nawalan ng pag-asa. Sa pagpapatuloy ng mga ganitong proyektong kaisa si PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat Jr. at ng lahat ng kanyang mga kasama, ay manunumbalik ang kagandahan ng ilog na ito na minsan nang hinangaan ng mara­ming tao, Pilipino man o dayuhan.

(KINALAP NI CARLA CALWIT)

Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal,ang aming numero 09213263166 / 09198972854/ 09213784392. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes mula 9am-5pm.

Follow us on twitter: Email: [email protected]

vuukle comment

CHAIRMAN NAGUIAT

ILOG

ILOG PASIG

PAGCOR

PARA

PASIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with