^

PSN Opinyon

‘Kasambahay’

BITAG - Ben Tulfo -

TAON 2012 nang pumutok ang balita tungkol sa matin-ding pangmamaltrato sa isang kasambahay ng kanyang mga amo.

Ito ang kontrobersiyal na kaso ng mag-asawang Rey-nold at Anna Liza Marzan na humarap sa seven counts ng serious physical injuries, two counts ng attempted murder at serious illegal detention.

Dahil sa pananakit at pang-aabuso sa kanilang kasambahay, matinding mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at trauma ang natamo ng biktima.

Bago pa man mahuli ang mag-asawang Marzan, nauna nang na-BITAG ng aming programa ang kapatid ni Anna Liza Marzan na si Annabelle Catajan.

Ang reklamo kay Annabelle, hindi naiiba sa kapatid at bayaw niyang sina Reynold at Anna Liza Marzan.

Tulad ng mag-asawa, kitang-kita ang ebidensiyang pangmamaltrato sa mga kasambahay ni Annabelle.

Isiniwalat niya sa BITAG ang hindi makataong pagtrato ng kanyang amo sa kanilang mga kasambahay.

Sampal, suntok, tadyak, pamamlantsa sa balat at pagbuhos ng mainit na tubig ang ilan lamang sa mga natatamo nila sa tuwing nagagalit ang amo.

May pagkakataon ring napagkakatuwaan din daw ni Annabelle na painumin ng dura ang mga kasambahay at ipaamoy ang maseselang bahagi ng kanilang katawan sa isa’t isa.

Isang rescue operation ang agad na ikinasa ka­sama ang BITAG at Quezon City Social Services and Welfare Development at Women and Children Protection Desk sa Camp Karingal.

Subalit hindi tulad ng paglilitis sa mag-asawang Marzan, hindi umusad ang kaso ng pangmamaltrato ni Annabelle Catajan sa kanyang mga kasambahay.

Sa kasalukuyan, naipasa na ang Kasambahay Bill (Republic Act 10361) upang ma­protektahan ang ka­rapatan at seguridad ng mga kasambahay.

Karamihan kasi sa mga kasambahay, kulang sa kaalaman hinggil sa kanilang mga karapatan kaya’t umaabot sa puntong naaabuso na sila ng kanilang mga amo.

Umaasa ang BITAG sa pagbaba ng bilang ng mga kasambahay na minamaltrato ng kanilang mga amo ngayong naisabatas na ang Kasambahay Bill.

 

ANNA LIZA MARZAN

ANNABELLE

ANNABELLE CATAJAN

CAMP KARINGAL

KASAMBAHAY

KASAMBAHAY BILL

MARZAN

QUEZON CITY SOCIAL SERVICES AND WELFARE DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with