^

PSN Opinyon

Kailan aaksiyon ang CAAP?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MGA anak pala ng pulitiko at maimpluwensyang tao sa Balocod City ang nasa likod ng inirereklamong drag racing sa old runway doon. Kaya pala kahit si ret. Lt. Gen. William Hotchkiss III, ang director general ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ay atubili na pahintuin ang drag racing dahil hindi basta-basta ang makakabangga niya. At higit sa lahat, meron palang permit itong car at motorcycle racing sa barangay na may sakop nito kaya mabilis pa sa kidlat si Atty. Petierie ng Business Permit and License Office (BPLO) na bigyan ng green light ito.

Paano nga ba naman mapahihinto ng CAAP ang nakakaistorbong drag racing kung armado ng permit? Habang nakatunganga ang CAAP at iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng PNP, ang napeperhuwisyo ay ang mga residente sa paligid ng runway pati senior citizens sa St. Vincent’s Home for the Aged. Mukhang nag-iisa lang at fighting an uphill battle si Henry Kao, ang Canadian na may Pilipino-Chinese descent na president ng Palmas del Mar Subd. sa kanyang pakikipaglaban para mahinto ang nakaperhuwisyong drag racing sa old runway sa Bacolod City.

Ang mga involve pala sa naturang drag racing ng kotse at motorsiklo ay ang anak ng vice mayor, anak ng may-ari ng Ceres Bus liner, at anak ng isang konsehal, samantalang anak naman ng mayor sa isang kalapit na bayan ang sa laruang airplane. May mga pera ang pamilya ng mga ito, kaya naniniwala ang mga residente sa paligid ng old runway na malaking pera ang ginasta nila para magkaroon sila ng kaukulang permit. Ang ibig sabihin kaya ng mga taga-Bacolod City ay may padulas ang grupo ng mga anak ng pulitiko at maimpluwensiyang tao sa Bacolod sa BPLO at sa barangay?

Ilang beses ng sumulat si Kao sa CAAP para mapatigil na ang drag racing subalit puro pangako na napapako lang ang natanggap nila mula kay Maria Reyes, ang officer-in-charge (OIC) ng local office. Ayon kay Kao ang idinulot sa kanilang perhuwisyo ng drag racing ay ang sobrang ingay mula sa umaga hanggang sa dis-oras ng gabi dahil sa practice driving at iba pang mga instruments at gadgets ng grupo.

Ayon kay Kao, imbes na mag-retire sila ng matiwasay sa Bacolod City, puro problema ang ibinigay sa kanila ng drag racing. Halos tatlong taon daw ang ibinawas sa buhay nila dahil sa ingay ng drag racing, ani Kao. Kailan kaya aaksiyunan ng CAAP ang problema ng mga residente sa paligid ng old runway. Dapat habang buhay pa ang mga senior citizens doon para ma-enjoy nila ang remaining years nila. Abangan!

vuukle comment

AYON

BACOLOD CITY

BALOCOD CITY

BUSINESS PERMIT AND LICENSE OFFICE

CERES BUS

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DRAG

KAO

RACING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with