Mag-ingat sa stroke
SA Pilipinas, pangalawa ang stroke sa 10 pangunahing sakit na nakamamatay. May 110 Pilipino ang nasasawi araw-araw dahil sa stroke. Ang mga taong may edad, may high blood pressure, diabetes, at sakit sa puso ay mas mataas ang tsansang magkaroon ng stroke.
2 klase ng stroke:
Ang stroke ay isang sakit kung saan nagbabara ang ugat sa utak ng tao (Medical term: Ischemic Stroke). Dahil ang utak natin ang nag-ko-kontrol ng paggalaw ng ating katawan, kadalasan ay nanghihina ang kamay o paa ng isang taong na-stroke. Ang iba pang posibleng sintomas ng stroke ay ang pagkabulol, pamamanhid, pananakit ng ulo, at panlalabo ng mata.
Mayroon ding pangalawang klase ng stroke kung saan nagdurugo ang utak ng pasyente dahil may ugat na pumutok (Medical term: Hemorrhagic Stroke). Kadalasan ay mataas ang blood pressure ng pasyente at may matinding sakit ng ulo.
Paraan para makaiwas sa stroke:
1. Panatilihin ang blood pressure na mas mababa sa 130 over 80. Kapag ang iyong blood pressure ay 140 over 90, o mas mataas pa, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka at kailangang magpatingin sa doktor.
2. Kung kayo ay may diabetes, panatilihin ang fasting blood sugar na mas mababa sa 120 mg/dL (6.7 mmol/L). Ang normal na blood sugar level ay 100 mg/dL (5.6 mmol/L) o mas mababa pa. Ang diabetes ay nakasisira sa ugat ng ating utak. Gamutin ito.
3. Ipasuri ang cholesterol levels sa dugo at panatilihin ito sa 200 mg/dL (5.2 mmol/L) o mas mababa pa. Ang mataas na cholesterol ay puwedeng magdulot ng
pagbabara sa utak o stroke. Bawasan ang pagkain ng mga matataba at mamantikang pagkain.
4. Huwag magpataba. Alamin ang tamang timbang at pilitin itong maabot.
5. Itigil ang paniniga-rilyo. Ang isang stick ng sigarilyo ay may 10-20 mg ng nicotine na masama sa ating ugat.
6. Limitahan o umiwas sa pag-inom ng alak. Ang taong malakas uminom ng alak ay mataas ang tsansang ma-stroke at maaksidente.
7. Huwag gumamit ng bawal na droga tulad ng shabu at iba pa. Ito’y isang pangunahing sanhi ng stroke sa kabataan.
8. Umiwas sa air polluÂtion. Ayon sa pagsusuri sa Taiwan, marami ang na-stroke kapag marumi ang hangin sa paligid.
9. Umiwas sa mainit na lugar. Ayon kay Professor Chun-Yuh Yang, kapag mainit ang panahon, mara-ming tao ang nai-stroke. Umiwas sa araw mula 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.
10. Magpa-check up ng regular sa iyong doktor.
- Latest