^

PSN Opinyon

Paano gumawa ng medical mission

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NOONG 1993 kami nag-umpisa gumawa ng medical mission sa Pasay City. Sa tulong ng aking maybahay na si Dr. Liza Ong, ang Pasay Filipino-Chinese Charity Health Center (sa Leveriza Street, Pasay City) ay tumi-tingin sa halos 400 pasyente bawat buwan.

Dahil dito, nasanay na kami sa paghahanda sa medical mission. Heto ang 5 kailangang ayusin para ma-kagawa nang maayos na medical mission:

1. May gamot – Dahil napakaraming mahihirap sa ating kababayan, kailangan nating maghanda ng sapat na gamot para sa kanila. Kung libre ang check up pero wala namang gamot ay baka hindi rin gagaling ang pasyente. Mabuti na lang at marami nang generics na gamot na mas murang bilhin. Kung bibili kayo nang maramihan (wholesale) sa kompanya ng generics ay baka mas makatipid pa kayo. Maghanda ng gamot para sa mga pangkaraniwang sakit tulad ng lagnat, ubo, impeksyon, high blood, diabetes, hika, ulcer, allergy, sakit sa katawan at sakit sa balat. Maghanda rin ng gamot para sa mga bata at sanggol.

2. May doktor – Sa bawat 40 pasyente ay kaila-ngang may isang doktor kayo. Kung tinatayang 200 pasyente ang darating, mas madali kung may 5 doktor kayong makukuha. Matitingnan nila ito ng mga 3 oras. Kadalasan ay mahirap nang kumuha ng doktor sa medical mission dahil bukod sa walang kita at nakapapagod din. Sa aming Pasay Charity ay nagbibigay kami ng “allowance” sa doktor para sa kanilang serbisyo.

3. May lugar – Kailangan ay may lugar na maluwag at matahimik para sa inyong medical mission. Kapag maingay ang lugar ay baka hindi makarinig ang doktor sa kanyang stethoscope at blood pressure monitor. Isa pa,  kailangan ay ligtas din ang inyong lugar sa posibleng pagnanakaw.

4. May kagamitan – Kailangan ay may mesa, silya at lubid na pangharang. Maghanda rin ng timbangan (para sa bata), blood pressure monitors, ballpen, prescription pad ng doktor, at mga numero para sa pasyente. Magdala rin ng microphone at speaker para sa pagtatawag ng pasyente at pagkontrol sa mga tao. Kung aabutin kayo ng tanghali, maghanda ng tubig at pagkain para sa inyong volunteers.

5. May mga volunteers – Napakahalaga ng “crowd control” sa isang malaking medical mission. Ang trabaho ng volunteers ay para makontrol ang dami ng pasyente. Mula sa aming experience, mag-ingat sa pagbibigay ng giveaways sa mga tao dahil puwede itong magdulot ng kaguluhan. Limitahan din ang pagbibigay ng multivitamins dahil maaaring mag-engganyo ito ng mga taong wala namang sakit. Ilagay na lang ang inyong pondo sa paggamot ng tunay na maysakit at na-ngangailangan.

Kahit mahirap at mainit sa medical mission, ka­pag naisagawa ito nang maayos ay malaki naman ang maitutulong sa ating kababayan.

God bless po.

 

DAHIL

DOKTOR

DR. LIZA ONG

KAILANGAN

LEVERIZA STREET

MAGHANDA

PARA

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with