“Mga babaeng Sputnik
IBA ANG BUHAY SA LOOB NG KULUNGAN. Hindi uso ang demanda, gantihan ang sistema. Nalagasan kami ng isa.. titira kami ng dalawa, kung ‘di pa mahinto, baka magkaubusan pa.
Maaaring umabot sa ganitong sukdulan ang naganap na kaguluhan sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City noong Enero 1, 2013.
Bunga ng pangyayaring ito, lumapit sa amin sina Winona—27 anyos, Adea—40 anyos, Marie—40 anyos, Noemi—45 anyos, at Rosario—40 anyos, upang ipaalam ang sitwasyon ng kanilang mga asawang inmates na mga miyembro ng Sputnik Gang sa MMDJ, na ayaw ibigay ang kanilang mg apelyido sa takot na lalong pahirapan ang kanilang mga mister.
Nirereklamo nila ang kalupitan umano ng mga empleyado ng Bureau of Jail Management and Penology(BJMP) sa pamumuno ni Warden Manuel Bangasan at Tinyente Rosentales.
Kuwento ni Marie, bandang alas-7 ng gabi noon nang tumambay silang mag-asawa kasama ang ibang mga inmates sa plaza para magpahangin sa kalmadong paligid dahil sa kakatapos lang na salubong nila ng Bagong Taon.
Sa ‘di kalayuan natanawan ni Marie ang isang miyembro ng Sputnik na tila pinagsusuntok ang isang miyembro ng Commando sa may damuhan.
Nagulat na lamang sila nung napabulagta ito nang duguan hanggang mapansin nila ang hawak na kutsilyo ng sumaksak.
Segundo lang ang pagitan biglang lumapit ang isa pang miyembro ng Sputnik at nagpahabol pa ng maraming saksak.
Isang malakas na sigaw mula kay Warden Bangasan ang kanilang narinig kasabay ng pagtunog ng alarma sa loob ng bilangguan.
Parang mga bubuwit na nagtakbuhan pabalik sa kanilang mga lungga.. sa kanilang selda lahat ng inmates kasama ng kanilang mga misis.
Sa gitna ng pagkakagulo, hindi na umano nila alam kung saan dinala ang katawan ng napatay na miyembro ng Commando.
““P#@$ngina! Kung gusto ninyo ng gulo! Ibibigay namin sa inyo mga p*&^ngina ninyo! Labas lahat ng dalaw!,†sigaw umano ni Warden Bangasan kasunod ang mga BJMP na isa-isang nagkasa raw ng mga bitbit na baril.
Nataranta na ang lahat at nagsilabasan ang mga dalaw. Iigkas na sana ang ibang miyembro ng Sputnik para sumugod ngunit sumigaw ang kanilang mayor na si “Kuwadroâ€.
“Walang susugod p%^#ngina! Walang lalabas ng selda!,†saway daw nito.
Isa-isa nang kinandado ng mga BJMP ang bawat selda ng Sputnik at sinunod na gibain ang kanilang kubol.
Sunod na pinagkukuha ang mga gamit sa loob ng selda at pinagtatapon sa labas.
Pinaghubad silang lahat hanggang sa suot na brief na lang ang natira. Maging sa sumunod na mga araw ganon lang ang suot ng mga miyembro.
Halos manginig sa ginaw ang lahat sa pagtulog sa semento.
Kinabukasan, nakalampag ang pangkat sa utos umano ni Warden Manuel Bangasan. Hile-hilera silang pinalakad nang parang pato(‘duck walk’) mula selda pababa ng court.
Nung maipon nang lahat, sa utos ni Tinyente Rosentales ay pinagwawasak daw ang lahat ng tarima.
Pinagsisira lahat ng unan, mga damit, bentilador at kahit anong makitang gamit hanggang walang matira.
Pinagbabalibag ang lahat ng gamit sa pasilyo.
“O! Piliin ‘nyo kung ano pa matino diyan! Kunin niyo na lang!,†utos umano ng isang empleyado sa mga nakapanood na ibang mga preso.
Ibinaba ang iba pang mga gamit sa plaza at saka sinilaban. Alas-12 ng tanghali nagpuntahan ang limang ginang para dalawin ang kanilang mga asawa ngunit hindi sila pinapasok.
Iaabot sana ni Noemi ang niluto niyang pagkain pero pinagtatapon umano ng mga BJMP ang mga ito kaya’t dito na sila umalma.
Sa kasalukuyan, lahat ng miyembro ng Sputnik ay nilipat sa ibang selda kung saan walang tubig at kuryente(mala-bartolina).
Pinagkasya sa kada isang selda ang bente-otsong inmate mula sa kabuuang bilang nilang 196.
Pakiusap ng mga ginang na ibalik ang lahat ng karapatang inalis sa kanilang mga asawa.
“Walang pagkaing matino, wala halos tulog..walang halos suot†“Pirmina†na nga po pati suot nilang brief (pirmi nang suot),†ito ang iisang sigaw ng mga misis ng Sputnik gang.
“Wala pong alam ang mga asawa namin sa planong pagpatay na ginawa ng ka-kosa nila, bakit po sila nadamay!?,†ito ang iisang sigaw ng mga misis ng Sputnik gang.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang hinaing na ito ng mga ginang.
Nakipag-ugnayan kami sa tanggapan ni Commission on Human Rights(CHR) Chairperson Loretta Ann “Etta†P. Rosales, at sila mismo ang nagkwento kay Chairman Rosales sa mga pagpapahirap na ginawa sa mga mister nila. Nabagabag si Chairman Rosales sa hindi makataong pagtrato base sa narinig niya. Nangako siya na magpapadala siya ng tao, iimbestigahan, at kakasuhan kung kailangan ang mga mapapatunayang may kasalanan.
Hiniling ni Chairman Rosales na pumunta sila sa tanggapan ni Dr. Renante A. Basas, ang pinuno ng Assistance and Visitorial Office
 ng CHR para alamin ang sitwasyon sa Camp Bagong Diwa.
Kinabukasan sinamahan agad sila ng mga representante ng CHR. Abangan sa Miyerkules EKSKLUSIBO dito sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON ang mga pangyayari nung sila ay dumulog sa CHR at ang pagpunta mismo ng CHR sa Camp Bagong Diwa upang ma-dokumento ang tugon ng BJMP ukol sa reklamo sa kanila.
(KINALAP NI PAULINE F. VENTURA) Sa gustong dumulog ang aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784393 . Ang landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest