“Sorry na... pwede ba?”
SA tuwing may hahawak ng mahigpit sa kanyang braso, babalik sa alaala ang talim ng kukong bumaon dito at sakit ng pilipit ng isang ginang na marahil isa ng berdugo sa kanyang paningin.
Ganito maaring naapektuhan ang pitong taong gulang na batang itinago namin sa pangalang “Nikkoâ€.
“Lahat ng sorry sinabi ko na… niyakap ko pa at hinalikan pero walang talab,†ani Samin.
Nagsadya sa aming tanggapan si Jasmin Villamor mas kilala sa tawag na ‘Samin’, 42-anyos ng Taguig City.
Ika-4 ng Disyembre 2012, unang inilapit sa amin ni Brendalyn “Brendaâ€, 22 taong gulang na anak ni Samin ang pagdakip at pagkakakulong ng ina sa Taguig City Jail. Ito ay para sa kasong Violation of R.A 7610 (Child Abuse).
Matapos mabilanggo ng limang araw at makapag-piyansa, si Samin na mismo ang nagpunta sa amin.
“Hindi ko po talaga ginawa iyon…ayokong makulong,†giit ni Samin.
Matagal ng magkapitbahay si Samin at ang ina ng batang sinaktan daw niya na si Emely Macalindong. Dati umanong magkaibigan ang kanilang pamilya.
Hayskul si Brenda nang magsimulang tumugtog ng torotot. Pinasok niya sa ‘Banda Otso’ ang dalawang anak ni Emely bilang mga ‘majorettes’.
Dahil parehong mga bata, mahilig mag-asaran at nauuwi sa pikunan hanggang dumating sa puntong nagkagalit ang mga ito. Hindi daw akalain ni Samin na ang away batang ito ay mauuwi sa sabunutan. Kwento niya, tinawag na lang siya ng kapitbahay isang araw at sinabing nasasabunutan ang kanilang mga anak.
Lumabas si Samin para umawat. Nabigla siya nang makita umanong nakikisali na rin si Emely sa away bata.
“Hoy! Sa halip na sitahin mo…sumasali ka pa! Mga bata yan…†sabi ni Samin. Bago magkainitan, inilayo ang dalawa… natigil ang away.
Mula nun hindi na daw nagkikibuan sina Samin at Emely. Hanggang dumating ang ika-8 ng Hunyo 2012… ganap na 5:30 ng hapon.
“Ikaw ba si Jasmin Villamor?†tanong ng tanod mula Calzada-Tipas.
Mabilis na nagtanong si Samin, “Opo, bakit?â€
Pinasama si Samin sa barangay, nadatnan niya dun ang mag-iinang Emely, Jona at si Nikko.
Diretso siyang tinanong ng imbestigador na si Charity Sta. Barbara, “Samin… kinurot mo ba ito?†sabay turo sa batang si Nikko.
Todo tanggi si Samin, “Hindi ko po yan kinurot. Kahit mamatay ako sa kinauupuan ko ngayon!â€
Gisado siya, giit daw ng ina, “Hindi kinurot mo ito…†habang tinuturo ang braso ng bata. Nagpaliwanag si Samin, ayon sa kanyang salaysay habang naglalakad siya palabas, biglang sulpot ng bata sa kalye kaya’t nasagi niya ito sa kamay. Agad daw siyang humingi ng pasensya at mabilis na umuwi ng bahay.
Walang naniwala kay Samin, wala siyang nagawa kundi mag-sorry.
“Oh sige para wala ng gulo. Ginawa ko man o hindi… humihingi ako ng sorry sa inyo…†wika ni Samin habang niyakap-yakap at pinaghahalikan si Nikko.
Walang naging reaksyon ang bata. Si Emely naman daw sinaÂbing hindi nila matatanggap ang kanyang sorry. Dineretso ang bata sa Women and Children Protection Center, Taguig City Police Station at pina-‘medical’.
Lumabas sa ‘medical certificate’ ni Nikko na isinagawa sa Rizal Medical Center ng Attending Physician Dr. Kenny Tablizo, MD, conclusion: abrasion, left distal forearm section to Physical Assault. Less than 9 days-healing period.
Ilang buwan makalipas, nakatanggap na si Samin ng ‘subpoena’ mula sa Prosecutor’s Office Taguig para sa kasong R.A 7610.
Nagkaroon ng ilang pagdinig sa kaso, nagpalitan ng mga salaysay at nakakuha rin si Samin ng kanyang testigo na si Gladys Balderama, isang street sweeper. Na siya umanong nakakita ng pagkasagi ni Samin kay Nikko nang sumulpot ito sa kalsada.
Mas binigyang timbang ng Korte ang salsaysay ni Nikko. Base sa salaysay “Lumabas po ako ng bahay para maglaro. Habang naglalaro ako mag-isa, lumapit po si Samin at kinurot at pinilipit ang kamay ko.â€
Dito na nagsumbong ang bata sa ina at agad na dumiretso sa barangay.
Lumabas ang resolusyon ng kaso, ika-7 ng Setyembre 2012. Nakitaan ng Probable Cause ng taga-usig na si Asst. Prov. Prosec. Laarni F. Tagnong ang kaso kaya’t naibaba ang warrant of arrest kay Samin sa kasong Child Abuse.
Bago magpasko, 7:30 AM, dumating ang tatlong pulis-Taguig at siya’y dinakip. Diretso Taguig City Jail siya. Ang kanyang ‘bail’ Php80,000 para sa pansamantala niyang paglaya. Ito ang dahilan ng pagpunta sa amin ni Brenda.
Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN)
Pinayuhan namin si Brenda na mag-file ng Motion to Reduce Bail. Mula Php80,000 nakapagpiyansa sila sa halagang Php17,000.
Ika-14 ng Enero 2013, bumalik sa amin si Samin at ibinalitang nasa RTC-Branch 69 na ang kaso. Kahilingan niya, malaman ang legal na hakbang na maari niyang gawin dahil hindi umano niya ginagawa ang pananakit.
“Nakipag-usap na po ang anak ko sa kanila, nanghingi na ako ng tawad pero gusto pa rin nilang ituloy ang kaso,†pangamba ni Samin.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ipinaliwanag namin kay Samin na kadalasan ang testimonya ng isang bata o ‘menor de edad’ ay mas kinikilingan o pinaniniwalaan ng korte o taga-usig. Ito ay sa kadahilanang mahirap para sa isang bata ang magsinungaling sa harap ng matinding pagtatanong ng isang taga-usig o hukom. Ang depensa ni Samin ay ‘alibi’ o ‘denial’ na pinakamahinang uri ng depensa sa isang paglilitis (judicial proceeding).
Ang magandang gawin nitong si Samin, kausapin magpakumbaba at humingi ng tawad kung maari…baka ito lamang ang hinihintay ng magulang ni Nikko para maayos na ang lahat.
Hindi rin maganda sa anak ni Emely na sa kanyang murang edad na makakaladkad sa korte, matanong at ma-cross examine ng mga abogado. Sa bandang huli mas malaking pinsala ang maaring mangyari sa kanyang pagkatao.
Nasisiguro namin na sinubukan sila ng barangay na pag-ayusin subalit mukhang desidido ang nagrereklamo na ituloy ang kaso kaya’t nalabasan ng ‘warrant’. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming numero 09213263166 (Aicel) /09198972854 (Monique)/ 09213784392 (Pauline). Tumawag sa 6387285 at 24/7 7104038. Address: 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami Lunes hanggang Biyernes.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest