Pilipinas tinadhanang manatiling hikahos?
SA alamat ng Griyego, naging abusado si Sisyphus, hari ng Ephyra (ngayo’y Corinth). Ginamit niya ang sandatahang pandagat para piratahin ang mga barko ng mga karatig-bansa, at tinalikuran ang pangunahing diyos na Zeus. Bilang parusa, pinagtulak siya ng malaking bato paakyat ng burol upang pabagsakin sa kabila. Ngunit tuwing aabot sa tuktok, nanghihina siya sa bigat ng bato, at gugulong ito pababa ng burol. Kaya muli at walang hanggan siyang magtutulak paakyat.
Parang parusa ni Sisyphus ang kalagayan ng Pilipinas. Mayaman noon ng kapuluan -- bahagi ng Malay Empire na masigla ang kalakal at nilupig ang Madagascar sa Africa 4,000 milya ang layo noong unang milenyo. Pero ngayon, isa ito sa limang pinaka-mahirap sa ASEAN, kabilang ang Vietnam, Cambodia, Laos, at Myanmar. Angat lang ito nang konti sa mga bansa sa Africa.
Halinhinang boom at bust ang ekonomiya ng Pilipinas. May panahong pataas: Dumadami ang investments, lumaÂlago ang negosyo, nagkakatrabaho ang mama-mayan. Tapos biglang bubulusok: Tulad ng pagkapatay kay Ninoy Aquino nu’ng 1983, Asian financial crisis nu’ng 1997, at kawalan ng tiwala sa Estrada at Arroyo admi-nistrations nu’ng 2000 at 2007.
Mala-Sisyphus din ang buhay ng mga pamilyang Pilipino. Mula sa kahirapan, nagsusumikap silang umangat sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, ipon, edukasyon, at pagtutulungan. Tapos -WHAM! -- sa isang iglap tupok ang bahay o wasak ang pamilya. Dahil namatayan o nabalda sa sunog, mudslides, baha, banggaan ng sasakyan, sagasa, o nakawan, balik bigla sa pagkahikahos ang pamilya.
Karamihan ng indulto ay dulot ng pabayang gobyerno.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest