Hindi makatarungan
ANG kasong ito ay nagsimula nang pirmahan at maging batas ang RA 6640 noong Disyembre 10, 1987. Layunin ng batas na itaas ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sector ng P 10.00 kada araw para sa mga tumatanggap ng P100.00 araw-araw o mas mababa pa.
Matapos ipasa ang batas noong Disyembre 18, 1987, nagkasundo naman ang PMI at ang Union of Supervisors and Foremen sa isang collective bargaining agreement (CBA) kung saan ang mga superbisor ay binibigyan ng dagdag na P625 at ang mga foreman naman ay P475 kada buwan. Ang kasunduan ay susundin mula Mayo 12, 1987 o bago pa man mag-umpisa ang RA 6670 at mananatili hanggang Hulyo 26, 1989. Ayon din sa kasunduan, sa umpisa pa lamang ng pirmahan, kusang-loob na isinusuko ng union ang karapatan nito at hinahayaan ang PMI sa anumang kakulangang pinansiyal na dapat habulin sa kompanya.
Nang ipasa ang RA 6640, may 13 superbisor at 5 foreman ang PMI. Tatlong empleyado lang ang tumatanggap ng suweldong mas mababa sa P100 kada araw. Ang tatlo ay sina Eddie, isang superbisor na tumatanggap ng P99.01 at sina Alfred at Roberto, mga foreman na tumatanggap naman ng suweldong P96.45 at P94.93 kada araw. Ang iba pang empleyado ay lampas P100 ang tinatanggap kada araw. Ang naging resulta tuloy, ang tatlo lang ang nadagdagan ng suweldong P10.00 kada araw. Ang suweldo ni Eddie ay naging P109.01, ang kay Alfred ay naging P106.45 at ang kay Roberto ay naging P104.93. Ang sumunod na pinaka-mababa ang natatanggap na suweldo ay si Ben, isang superbisor na may suweldong P102.38 kada araw. Ang foreman naman na si Dino ay tumatanggap ng P107.14 kada araw. Samantalang si Mario naman, isa ring superbisor sa PMI ay P108.80 ang nakukuha kada araw. Dahil sa karagdagang P10, mas mataas na ngayon ang sinusuweldo nina Alfred at Roberto sa iba pang foreman at maging sa superbisor na si Ben. Ang suweldo rin ni Eddie ay mas mataas kaysa sa mga kasamahan niyang superbisor. Ang naging resulta ay ang tinatawag na “wage distortionâ€, nawala ang napagkasunduang pagkakaiba-iba ng mga suweldo.
Dahil sa nangyari at upang hindi muling magkaroon ng wage distortion, nagsampa ng kaso ang unyon sa PMI upang ang lahat ng miyembro nito ay makatanggap ng kaukulang dagdag sa suweldo magmula Disyembre 10, 1987.
Dininig ng labor arbiter ang hinihingi ng unyon. Nagkaroon ng 13.5% porsiyentong dagdag sa lahat ng mi-yembro. Nang mag-apela sa Court of Appeals (CA), mas lumaki ang 13.5 % at naging 18.5%. Ang pagtataas daw ay upang itama ang wage distortion na dulot ng implementasyon ng RA 6640. Hindi raw ito maaaring balewalain. Tama ba ang CA?
MALI. Kahit pa nagkaÂroon ng wage distortion, naÂitama na ito sa ginawang pagtataas ng suweldo ng mga superbisor ng P625 kada buwan at P475 naman sa foreman umpisa Mayo 12, 1987. Ang nangyaring pagtataas ay higit pa sa P10.00 na itinakda sa CBA. Ang P625 kada buwan ay nangangahulugan ng P24.03 na dagdag kada araw para sa mga superbisor at ang P475 naman ay katumbas ng dagdag na P18.26 kada araw para sa mga foreman.
Hindi makatarungan na utusan ang PMI na magba-yad ng 18.5% porsyentong dagdag sa suweldo ng lahat ng empleyado. Ito ay lampas sa napagkasunduan sa CBA. Ayon sa napagkasunduan, ang sumusuweldo lamang ng mas mababa sa P100 kada araw ang dapat mabigyan ng dagdag. Hindi na kasalanan ng kompanya kung tatlong empleyado lamang ang maaapektuhan. Hindi maaa-ring diktahan ang PMI na dagdagan ang suweldo ng mga empleyado lalo at nagbibigay pa nga ang kompanya ng higit pa sa hinihingi ng batas.
Ang CBA ang nagsisilbing batas sa pagitan ng magÂkaÂbilang panig. Kusang loob ito at walang bahid alinlangang pinirÂmahan. Hindi maaa-ring gaÂmitin ng unyon ang ma gagandang kondisyones ng ka sunduan at isantabi/bale-waÂlaÂin ang mga kondisyones na pabor naman sa PMI (P.I. Mfg. Inc. vs. P.I. Mfg. Supervisors and Foremen Ass’n, G.R. 167217, February 4, 2008).
- Latest