^

PSN Opinyon

FOI Bill huwag patayin

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PATULOY na nasisikil ang mabilis na pagsasabatas ng Freedom of Information Bill. The word “pagsikil” rhymes with “pagkitil” o tuluyang pagpatay sa panukala para huwag nang maging batas. Huwag naman sana dahil pinakahihintay iyan ng mga Pilipinong nagmamahal sa demokrasya.

Parang awa n’yo na Kamara de Representante! Pagtibayin na ang batas na ito!

Alalahaning apat na buwan na lang at eleksyon na. Baka ma-bad-shot kayong lahat sa mga botante. 

Katuwiran ng mga mambabatas ay gahol na sa panahon. Sabi nga “kung gusto may paraan at kung ayaw maraming dahilan. Kapansin-pansin din ang matamlay na suporta ng Malacañang kaya nawawalan na tayo ng pag-asa na maisasabatas ito ng 15th Congress.

Mabuti pa ang Senado dahil naipasa na ang FOI bill sa  ikatlo at huling reading, bago pa man magpasko.   

Siyam na session days na lang ang natitira mula Enero 21, balik-trabaho ang nga mambabatas matapos ang isang buwang bakasyon, hanggang Pebrero 6. Tapos ay break na naman sila upang mangampanya para sa halalan sa Mayo.

Sa Hunyo, may tatlong session days muli ang mga Deputado para sa closing ceremonies bago mag-adjourn nang tuluyan at magbigay daan sa pagbubukas ng 16th Congress sa Hunyo 30, 2013.

Kapag hindi naipasa ng Kamara ang FOI bill hanggang third reading, at maisumite ang panukala sa bicameral conference committee, sa loob ng nine session days, tiyak tigok na sa 15th Congress ang FOI bill!

Kaya nagkakaisa ang mga mamamahayag sa panawagan sa kapita-pitagang­ Kamara de Re­presentante na parang awa n’yo na. Pagtibayin na ang FOI Bill dahil mahigpit na kailangan ng ating bansa ang ganitong bansa para sa “Daang Matuwid” ni Presidente Noynoy.

 

vuukle comment

ALALAHANING

DAANG MATUWID

DEPUTADO

FREEDOM OF INFORMATION BILL

KAMARA

PAGTIBAYIN

PRESIDENTE NOYNOY

SA HUNYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with