^

PSN Opinyon

Ang pagbibinyag kay Hesus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

IPINAHAYAG ni Propeta Isaias na magaganap ang pagpili ng Panginoon na maghahanda sa daraanan ng Kanyang Anak. Ito’y mahinahon at banayad magsasalita. Hindi magtataas ng tinig ang lingkod ng Panginoon at ibinuhos sa kanya ang liwanag ng Espiritu. Magpapairal siya ng katarungan. Siya ay si Juan Bautista!

Pinatotoo ni Pedro ang pangangaral ni Juan tungkol sa kanyang pagbibinyag kay Hesus na taga-Nazaret sa Ilog Jordan. Doo’y ipinagkaloob sa Kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na Siya nga ang Hinirang. Nagpakita si Hesus sa madla nang Siya ay lumapit kay Juan upang magpabinyag. Hindi matanggap ni Juan ang paglapit ni Hesus: “Ako po ang dapat binyagan ninyo”. Subalit tinugon siya ni Hesus: “ito ang nararapat nating gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos”. Sumunod si Juan kaya naganap nya ang kalooban ng Diyos: “nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos” bumaba sa anyong kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit: “Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos Kitang kinalulugdan”.

Dito natin maisasapuso na mismong si Hesus, isang Diyos ang Siya pang nagbigay sa atin ng halimbawa ng paglilinis o pagpapabinyag. Ito ang pagpapatunay upang tayo man ay maging kanyang tunay na alagad. Ang binyag ay isang sakramento ng ating pananampalatayang Kristiyano na naglilinis ang kasalanang original na minana natin sa ating unang magulang sina Adan at Eva. Sa kanilang hindi pagsunod sa Diyos ang naging pagtatakwil sa atin ng Diyos. Magbalik-loob tayo sa Diyos sa ating paglilinis ng minanang kasalanan.

Mga kapatid nasa inyo pa ba ang katibayan na kayo ay nabinyagan bilang Kristiyano? Ako ay bininyagan ni Padre J. Nepomuceno Chai noong Pasko 1952 sa simbahan ng San Franciso ng Assisi, Sariaya, Quezon at ang aking ninong ay si Reynaldo Gamo. Ito ang mahalagang papeles sa ating buhay bilang Kristiyano.

Isaias42:1-4, 6-7; Salmo28; Gawa10:34-38 at Lk3:15-16, 21-22

Padre J. Nepomuceno Chai noong Pasko 1952 sa simbahan ng San Franciso ng Assisi, Sariaya, Quezon at ang aking ninong ay si Reynaldo Gamo. Ito ang mahalagang papeles sa ating buhay bilang Kristiyano.

Isaias42:1-4, 6-7; Salmo28; Gawa10:34-38 at Lk3:15-16, 21-22

DIYOS

HESUS

KRISTIYANO

NEPOMUCENO CHAI

PADRE J

REYNALDO GAMO

SAN FRANCISO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with