^

PSN Opinyon

Editoryal - Sakit na nakukuha sa yosi, ilagay sa pakete

Pilipino Star Ngayon

UMARANGKADA na ang bagong tax rate sa sigarilyo at alak noong Enero 1, 2013. Ang Sin Tax bill na inaprubahan noong nakaraang taon ay naglalayong makakolekta nang malaking buwis na gagamitin din naman para sa kapakinabangan ng mga tobacco workers at sa rehabilitasyon ng mga ospital. Kasama ring makikinabang ang mga maysakit na nasa pampublikong ospital. Sa bagong tax rate, inaasahang kikita ang pamahalaan ng P33.96 billion ngayong 2013 at mas malaki sa mga susunod pang mga taon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), 71 percent ng cancer death sa mundo ay nakuha sa paninigarilyo. Dito sa Pilipinas, ang lung cancer ang nangungunang dahilan ng kamatayan ng nakararaming lalaki. Marami sa mga nagkakaroon ng cancer ay mula sa mga mahihirap na pamilya. Marami sa may sakit ang namamatay na hindi na nakaabot sa ospital at hindi na rin nakatikim ng gamot.

Pangunahing layunin kaya itinaas ang tax ng sigarilyo at alak ay upang mabawasan ang mga Pinoy na nagkakasakit sa mga bisyo. Dahil mataas na ang presyo ng sigarilyo, hindi na makakayang makabili nito ang mga kakarampot ang kinikita. Sa kasalukuyan, ibinibenta ang bawat stick ng sigarilyo sa halagang P4.00 (kilalang brand) at P3.00 naman sa hindi gaanong kilalang brand. Kung ganito kataas ang bawat stick ng yosi, mukhang marami ang mhihirapan na ma-maintain ang bisyo. Kung nakakaubos ang smoker ng 10 stick sa maghapon, sa P4.00 bawat stick, P40 ito. Mabigat na

Pero ayon sa mga eksperto, kahit pa taasan ang presyo ng sigarilyo at alak, hindi pa rin mapipigil ang mga nakakapit na sa bisyo. Wala ring epekto sa kanila ang pagtataas.

Sa ganitong senaryo, mas maganda kung aaprubahan na ng Kongreso ang Senate Bill 3283. Ito ay ang paglalagay ng graphic health warnings sa mga kaha ng sigarilyo. Ilagay ang retrato ng mga sakit nakukuha sa sigarilyo. Kung makikita ito ng smokers, maaaring matakot sila at bitiwan ang bisyo. Ito ang maaaring kasagutan para makaiwas sa sakit na dulot ng yosi kadiri.

ANG SIN TAX

AYON

DAHIL

DITO

MARAMI

SENATE BILL

SIGARILYO

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with