Control o ban?
MAGKAKABISA na sa darating na Linggo ang election gun ban na ipatutupad ng Commission on Elections at Philippine National Police (PNP). Tuwing may eleksyon ipinatutupad ang pagbabawal ng mga sandatang pumuputok pero marami pa rin ang mga politically motivated killings. Ibig sabihin, hindi kayang pigilin ng pagbabawal ang mga taong determindaong gumamit ng sandata sa ano mang dahilan.
Sa harap ng dumaraming kaso ng walang habas na pamamaril lalu na sa pagpasok pa lang ng taong ito, mainit na paksa ang may kinalaman sa ganap na pagbabawal sa pagdadala ng sandata ng mga sibilyan. Ngunit marami ang tutol dito at sa halip, pinapaboran ang istriktong gun control.
Ayon sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order nakararami ang gustong isulong ang istriktong gun control pero hindi ang total gun ban. Ito’y sa kabila ng sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa bansa.
Sabi nga ni Senator Gregorio Honasan, chairman ng komite, kahit ipatupad ang total gun ban nagkalat pa rin ang mga paltik at mga baril na di lisensyado kaya dapat ay higpitan ang mga manufacturers at mga nag-i-import ng baril.
Ang problema ay very innovative ang mga Pilipino. Malikhain at puwedeng mag-improvise ng baril. Ilang beses na nating naibalita yung kaso ng pamamaril sa pamamagitan ng mga homemade na sumpak?
Bukod diyan ay may mga pagawaan na rin ng mga baril na paltik na matatagpuan sa Danao, Cebu. Ang tanong, namo-monitor kaya ng gobyerno ang produksyon ng mga pabrikang ito? Iyan ang dapat pagtuunang pansin ng pamahalaan.
Kung gagawing legal at may superbisyon ng gobyerno ang mga underÂground gun factories na ito, baka makalikha pa ng malaking industriya sa ating bansa at maiiwasang mapunta sa kamay ng mga di karapatdapat na tao ang mga baril na ginagawa ng mga ito.
Kung ako ang tatanu-ngin, tutol ako sa mga sandatang kumikitil ng buhay. Pero dahil isang katotoha-nan ang paglipana sa lipunan ng mga ito, dapat ma-ging alerto ang pamahalaan at mga tagapagpatupad ng batas para naiiwasan ang mga malagim na krimen.
- Latest