^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi raw solusyon ang pagbabawal sa baril

Pilipino Star Ngayon

DAHIL kaya isang gun enthusiast si President Noynoy Aquino kaya ayaw niyang ipag-utos ang lubusang pagbabawal sa baril? Mahigpit ang pagtutol ni P-Noy sa gun ban. Hindi raw ito ang kasagutan sa mga nangyayaring krimen. Kapag daw ibinawal ang pagbibigay ng permiso o lisensiya sa pagdadala ng baril para na ring binigyan ng pagkakataon ang mga criminal na yumaot sa kalye at gawin ang kanilang nais. Ang pagbabawal sa pagdadala ng baril ay mag-aalis lamang sa karapatan ng mga responsableng gunowner at magbibigay naman ng tapang sa mga masasamang loob. Ayon pa rin sa Presidente, sa mga state umano sa America na mahigpit sa baril, mas mataas ang nangyayaring krimen. Hindi raw malulutas ng gun ban ang mga krimen na kinasasangkutan ng baril.

Kung ang Presidente ay mahigpit na umaayaw sa lubusang pagbabawal sa baril, wala nang pagtatalunan pa rito. Kahit na marami pa ang sumasamo na ipagbawal ang baril para matigil na ang mga malalagim na krimen, wala ring saysay. Sayang lamang ang pagsisikap na magkaroon ng gunless society. Hindi na magkakaroon ng pagkakataon na masilayan sa bansang ito na walang nagmamay-ari ng baril.

At dahil nga magpapatuloy ang maluwag na pagmamay-ari ng baril, maaaring maulit ang pangyayari noong Bagong Taon na may mga tinamaan ng ligaw na bala at namatay. Karamihan sa mga namatay ay mga bata. Kabilang sa namatay ang 7-taong gulang na si Nicole Ella na tinamaan habang nanonood ng fireworks display sa kanilang lugar sa Malaria, Caloocan City. Hindi pa natutukoy ang nagpaputok ng kalibre 45 na kumitil sa buhay ni Nicole. Bukod kay Nicole, isang bata pa sa Mandaluyong ang tinamaan ng bala at namatay.

Tutol ang presidente sa gun ban at tila wala nang makapagpapabago sa kanyang paninindigan. Kung ganito siya katigas, sana maging matigas din siya para paigtingin ang kampanya sa pagsamsam sa loose firearms. Bigyang direktiba ang PNP na magsagawa ng puspusang paghahanap sa mga hindi lisensiyadong baril. Karaniwang ginagamit ng riding-in-tandem sa kanilang masamang gawain ay loose firearms.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BARIL

BIGYANG

BUKOD

CALOOCAN CITY

KABILANG

KAHIT

NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with