^

PSN Opinyon

Walang karapatan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

DUMARAMI ang lumalantad na biktima ng stray bullets – hindi lamang noong bisperas ng Bagong Taon. Ang buhay ni Stephanie Nicole Ella ay naging mitsa ng unibersal na hinaing na solusyonan ang walang pakundangang pagpapaputok ng baril ng mga taong walang sapat na talinong intindihin ang ibubunga ng kanilang aksyon. Basta deadly weapon ang pinag-uusapan ay kailangan talaga ng mahigpit na regulasyon o ang tuluyang pagbawal nito sa mga ordinaryong mamamayan. Hindi tulad ng pulis at sundalo na sumasailalim ng matinding training at edukasyon bago payagang magdala ng baril, ang karaniwang Juan de la Cruz ay maaring magdala ng baril basta lang mag-apply ng permit. Psych test clearance at certificate of attendance sa gun safety course ang medyo mahigpit lang na requirement pero kahit hindi ka mismo humarap ay lalakarin na ito ng nagbebenta ng baril basta’t magbayad ka ng processing fee.

Sa Amerika ay may mahabang tradisyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magdala ng baril. Mismong sa kanilang Saligang Batas ito nakasaad (ipinag­laban ito ng patayan ng mga Amerikano dahil ang ugat nito ay ang kanilang karanasan bilang “colony” ng Inglatera kung saan ipinagbawal ang baril nang masigurong hindi sila mag-aaklas). Sa Pilipinas ay walang ganoong kalinaw at kalakas na kultura ng pagdadala ng baril.

Anuman ang maging pasya ng pamahalaang Aquino, pansamantala’y maari namang maging mas istrikto sa pagpapatupad ng regulasyon. Minumungkahi ko ang pagtalaga ng rehistro sa bawat istasyon ng pulis ng mga may lisensiyadong baril sa kanilang kinasasakupang teritoryo. Sa ganitong paraan ay may agarang reference ang mga kinauukulan kapag may krimeng nagaganap – tulad ng nangyari kay Stephanie Nicole.

Mabuti rin ito para sa gun owners dahil agad din silang ma­absuwelto sa hinala kung walang kasalanan.

Magreklamo man ang gun owners na isa itong hindi makatwirang pabigat sa kanila, maari pa rin itong pangatawanan ng pamahalaan.

Ang pagdadala ng baril ay pribilehiyong bigay lamang ng batas. Hindi ito karapatan kaya maaari ring bawiin ng batas.

At nasa pamahalaan ang desisyon kung gaano kahigpit ang magiging patakaran sa pagbibigay ng permiso sa karaniwang Pilipino.

vuukle comment

AMERIKANO

ANUMAN

BAGONG TAON

BARIL

SA AMERIKA

SA PILIPINAS

SALIGANG BATAS

STEPHANIE NICOLE

STEPHANIE NICOLE ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with