^

PSN Opinyon

Power grab

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

“AN elective official, elected by popular vote, is directly res­ponsible to the community that elected him.  The official has a definite term of office fixed by law which is relatively of short duration.  Suspension and removal from office definitely affects and shortens this term of office. When an elective official is suspended or removed, the people are deprived of the services of the man they had elected.  Implicit in the right of suffrage is that the people are entitled to the services of the elective official of their choice. Suspension and removal are thus imposed only after the elective official is accorded his rights and the evidence against him strongly dictates their imposition.” Ganito ang malinaw na paalala ng Mataas na Hukuman, sa panunulat ng ponente na noo’y Associate Justice Reynato Puno, tuwing ang suspensyon ng isang halal­ na lokal na opisyal ang tinatalakay ng pamahalaan. Ang kaso noon ay ang administrative suspension ni Nueva Ecija Governor Edno Joson na umakyat sa Supreme Court sa case title Joson vs. Executive Sec. Ruben Torres.

Sa mga katulad nating nagmamasid kung ang aksyon ng ehekutibo ay naaayon sa itinatalaga ng batas, medyo nakababahala ang ikinilos nito laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia na kilalang kaibigan ni Gloria Arroyo,  haligi ng oposisyon at miyembro ng UNA. Suspendido ni Exec. Sec. Paquito Ochoa noong Dec. 18, 2012 si Garcia ng anim na buwan batay sa isang reklamong isinampa sa Office of the President noong 2010 pa.

Ang isyu ay ang hindi raw tamang pagsunod sa budgeting procedure. Walang paratang na corruption o anumang “offense involving moral turpitude”, mga salang karaniwang pinapatawan ng 6 months suspension. At dahil 2010 ba ito naisampa, malinaw na lumampas na ito sa takdang 120 day period ng batas upang magsagawa at ma­tapos ang isang imbestigasyong administratibo.

Parang may bago nang patakaran ngayon, inamyendahan ng Palasyo ang isang mismong batas, na imbes na bilisan ang imbestigasyon laban sa halal na opisyal, maari na itong patagalin kahit mabitin at mabinbin ang pobreng akusado.

Ang vice governor na makikinabang sa suspensyon ni Garcia­ ay si Agnes Almendras Magpale ng Liberal Party, kapatid ni Cabinet Sec. Rene Almendras.

AGNES ALMENDRAS MAGPALE

ASSOCIATE JUSTICE REYNATO PUNO

CABINET SEC

CEBU GOVERNOR GWENDOLYN GARCIA

EXECUTIVE SEC

GARCIA

GLORIA ARROYO

LIBERAL PARTY

NUEVA ECIJA GOVERNOR EDNO JOSON

OFFICE OF THE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with