^

PSN Opinyon

Panic buying na sigarilyo at alak!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PARANG linya ng langgam ang ilang tindahan na nagtitinda ng sigarilyo at alak kahapon. Inisip ko na baka kasi magpapasko na, maraming bumibili ng alak para mainom sa bisperas ng Pasko, at sigarilyo na parating ka-partner ng mga umiinom. Pero napansin ko, habang papalapit sa kahera, kahon-kahong mga sigarilyo at alak ang binibili ng mga tao, na tila mauubusan! May mga nag-aagawan pa nga ng sigarilyo bagama’t sa maayos na paraan naman. Halos maubos na nga ang mga tinda sa eskaparate nang maisip ko ang dahilan ng “panic buying”.

Nilagdaan na ni President Aquino ang Sin Tax bill. Ibig sabihin, ito’y batas na. Kaya ang hinihintay na lang ay ang mga patakaran at gabay hinggil sa batas na iyan. Ibig sabihin, malapit nang tumaas ang presyo ng mga sigarilyo at alak. At malaki ang itataas dahil sa karagdagang buwis. Kaya normal na reaksyon ng merkado ay mag-panic buying ang tao, parang tuwing may balita na tataas ang gasolina, marami ang nagpupuno na ng kanilang mga tangke na parang napakalaki naman ng kanilang matitipid!

Hindi pa alam kung gaano kataas aabot ang presyo ng sigarilyo at alak, pero siguradong mataas. Kaya ang mga may pambili ngayon ay bumibili na habang hindi pa nagpapalit ang mga presyo. Hindi rin masasabi kung ang pagtaas ng presyo ay magbabawas nga ng mga naninigarilyo at umiinom, pero kung ganito naman bumibili ngayon ang mga tao, sa tingin ko hindi mababawasan kaagad ang mga may bisyo.

Ang sigurado ay ang karagdagang pondo na makukuha mula sa sin taxes na ito. Ang gusto ko sana ay mapunta ang nasabing karagdagang buwis sa mga programa ng edukasyon at kalusugan. Aayusin ang mga silid at palikuran ng mga pampublikong paaralan. Maaayos na silya, blackboard at tunay na chalk! Sa kalusugan naman, madagdagan ang pondo ng  mga benepisyo ng Philhealth, para magamit ng mga miyembro sa oras ng kanilang matinding pangangailangan. Mga karagdagang progra-mang pangkalusugan para sa mga malala-yong lugar ng bansa kung saan walang doktor o kaya’y kontrolado ng isang walanghiyang pulitiko. Kaila-ngan mawala ang pulitika sa kalusugan dahil ito’y isang karapatan. Maraming magagawang maganda ang sin taxes na iyan, kung gagamitin nang tama. Pero tulad ng lahat, dapat bantayan ang bagong pasok na pera sa kaban ng bayan!

 

 

AAYUSIN

IBIG

INISIP

KAILA

KAYA

MAAAYOS

PERO

PRESIDENT AQUINO

SIN TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with