^

PSN Opinyon

Editoryal - Pangako Nang Pangako (PNP)

Pilipino Star Ngayon

ITINALAGA na sa puwesto ni President Aquino si Deputy Director Alan Purisima bilang bagong hepe ng Philippine National Police. Pinalitan ni Purisima si General Nicanor Bartolome. Dapat sa Marso pa magreretiro si Bartolome pero bumaba na siya sa puwesto para mabigyan ng laya si Purisima sa paghahanda na may kaugnayan sa 2013 elections.

Nakapagtataka naman na si Aquino ang nagbanta sa mga “bugok” na pulis sa halip na si Purisima. Sabi ni Aquino, nabibilang na ang araw ng corrupt na pulis. Wala raw option sa mga bugok na pulis kundi isauli ang kanilang badge at uniporme at papalitan iyon ng orange t-shirt na may naka-print na malaking titik “P” sa likuran. Ang ibig sabihin ng “P” ay pri­soner. Ayon pa kay Aquino, gusto na niyang wakasan ang pamamayagpag ng mga abusadong pulis.

Pagkatapos magbanta ni Aquino, si Purisima naman ang nangako na pag-iibayuhin niya ang drive laban sa mga corrupt police officials. Sabi niya sa mga corrupt na pulis, kung sangkot ang mga ito sa mga illegal at masamang gawain, maghanda-handa na raw ang mga ito. Hindi raw siya titigil hangga’t hindi napaparusahan ang mga ito. Sisibakin niya ang mga police officials at empleado na sangkot sa masamang gawain. Pinangako rin ni Purisima na pag-iibayuhin ang pagbibigay ng proteksiyon at pagsisilbi sa taumbayan. Pinangako rin niya na magiging maayos at mas propesyunal ang mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Pinangako rin niya na maaasahan ng mamamayan ang PNP sa lahat nang pangangailangan.

Panibago na naman kaya itong pangako ng PNP? Kapag nagpapalit ng PNP chief, lagi nang may pa­ngako sa mamamayan. Punumpuno ng pangako na para bang ganun lamang kabilis tuparin. Sa sobrang dami ng pangako ay umasa ang mamamayan. Sino ba ang hindi masisiyahan sa pangakong poproteksiyunan at pagsisilbihan ang mamamayan? Sino ang hindi magkakaroon ng pag-asa kapag sinabing maaasahan sila ng mamamayan sa lahat ng oras.

Kasabay naman sa panunumpa ni Purisima, may mga naganap na krimen sa Metro Manila na ang itinuturo ay riding-in-tandem. Nakatakas ang mga suspek. Walang nakitang pulis na nagpapatrulya.

AQUINO

DEPUTY DIRECTOR ALAN PURISIMA

GENERAL NICANOR BARTOLOME

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINANGAKO

PRESIDENT AQUINO

PULIS

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with