Expecting the unexpected
SA political landscape kaugnay ng darating na mid-term election sa 2013, makakaasa tayo ng mga biglaang pagbabago na susorpresa na lang sa atin.
Balita ko’y masigasig na inuudyukan ng isang grupo sa pamumuno ni former Chief Justice Renato Puno si Bro. Eddie Villanueva na tumabo sa senaduria.
Naisulat ko kamakailan ang isang scenario o posibilidad sa pagkandidato ni Bro. Eddie Villanueva sa senatorial race kahit hindi na siya nakahabol sa deadline ng filing of candidacy sa COMELEC.
Gaya nang naisulat ko na, nakahabol sa paghahain ng certificate of candidacy si Dr. Israel Virgines sa bandila ng Bangon Pilipinas. Bakit si Virgines? Iyan ang tanong ng ibang political observer. Hindi raw kilala sa buong Pilipinas si Virgines at ang tsansang magwagi ay Malabo.
Posibleng ito’y ma-realize ng Bangon kaya maaaring sa huling sandali’y umatras si Virgines para pumalit sa kanya si Bro. Eddie.
Ilang buwan na ang nakararaan ay nabuo na ang Bro. Eddie for Senator Movement (BESMO) sa pamumuno ni dating Supreme Court Chief Justice, ang pinagpipitaganang si Reynato Puno at dating NEDA Chief Cielito Habito. Kapwa kilala ang mabuting reputasyon ng dalawang ito na parehong nagsilbi sa mataas na katungkulan sa pamahalaan.
Kaso, ayaw ni Bro. Eddie na tumakbong senador dahil inanunsyo ni Presidente Noynoy na isasama sa ticket ng administrasyon ang anak ni Bro. Eddie na si TESDA Director-General Joel Villanueva. Sa kasamaang-palad, sa huling sandali’y nagbago ang isip ni P-Noy at sinabing mas kailangan si Joel sa gabinete.
Ganyan talaga ang politika! Batid ko na kung si Bro. Eddie ang tatanungin, mas ibig niyang manatili sa kanyang ministeryo sa Body of Christ.
Pero may mga malalakas na pressures mula sa mga
- Latest