^

PSN Opinyon

Digitext Asia lowest bidder sa LTO IT project

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GRABE as in grabe ang mga banat ng bayaran PR na nakuha ng mga kritiko ng Digitext Asia Incorporation dahil hindi nila matanggap ang announcement made by DOTC - BAC sa public porke lowest price ito among the 3 companies na naglaban para sa P8.3 billion IT infrastructure project ng Land Transportation Office.

Kaya naman ng i-anunsiyo ng DOTC - BAC sa madlang public na Digitext Asia Inc., ang lowest bidder ay marami ang napanganga at napatunganga na halos maiyak sa lungkot dahil hindi nila inaasahan na P3.8 billion lamang ang bid price ng nasabing company. Hehehe!

Sabi nga, the lowest bidder!!!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa ginawang bid price ng Digitext Asia ay makakatipid ng mahigit P2 billion ang gobierno ni P. Noy sa mga kumpanyang nilampaso nito dahil ang Fritz & Maczoil Asia ay may bid price na P5.3 billion at Eurolink Network na may P5.8 billion.

Kaya banat agad ang kritiko ng Digitext Asia kaya ba daw ng kumpanya na ma-deliver ang pinagkasunduan sa kontrata dahil P3.8 billion lamang ang kanilang bid?

Naku ha! Nagpa-bright-bright ang mga kritiko ng Digitext Asia hindi kasi nila inaasahan na mababa ang  bid price nito.

Mga kamote talaga ang mga hunghang sasali ba ang kumpanyang ito at bibili ng P1 million bid documents kung wiwindangin lamang nila ang gobyerno ni P. Noy?

Mag-esep-esep kayo mga kamote!

Sa nangyari maraming pa-bright-bright ang nagiisip kung paano nila papadapain ang Digitext Asia.

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang bidding sa DOTC-LTO IT Infrastructure project  ay sumailalim sa masusing pag-aaral halos 60 ang miembro ng BAC, TWG at consultants mula sa iba’t ibang sektor kasama pa ang ASTI - DOTC kaya ang sino man sumali sa bidding na ito ay dapat sundin ang Terms of Reference.

Kaya paano sasabihin ng mga critic na ang Digitext Asia ay nag-sumite ng sub-standard bid?

Naku ha!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka mas nakuha nila ng mas mura ang mga gagamitin sa LTO at pinag-aralan mabuti ang kanilang bid price bago sumabak sa subastahan .

Hindi ba dapat matuwa ang madlang people dahil natupad na naman sa gobyerno ni Aquino ang ‘tuwid na daan.’

Ang mga investor from abroad ay nagkaroon ng kumpiansa sa Philippines my Philippines.

ASIA

BID

DIGITEXT ASIA

DIGITEXT ASIA INC

EUROLINK NETWORK

KAYA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MACZOIL ASIA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with