^

PSN Opinyon

Jueteng na naman!

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

JUETENG na naman ang mainit na isyu, dahil may “whistleblower” na nagsiwalat na isang gobernador ng Pangasinan ang sangkot sa iligal na sugal. Isang mayor ng Pangasinan ang nagturo sa gobernador ng nasabing lalawigan na nasa likod ng buong operasyon. Inamin na siya mismo ang nagdadala ng mga koleksyon mula sa jueteng. Ayon sa kanya, halos P1- bilyon ang kinita ng gobernador sa nakaraang siyam na taon mula sa jueteng. Mga P10- milyon kada buwan ang pasok ng pera! Hindi ko sinasabing totoo lahat ng kanyang sinasabi, pero kung totoo nga, ito ang dahilan kung bakit nagpapatayan ang mga pulitiko para sa mga posisyon sa gobyerno, pera mula sa jueteng!

Pero ilang kaso na ng jueteng ang isiniwalat, may nakukulong na ba dahil dito? Ang alam kong nakulong dahil sa pandarambong na may kaugnayan sa jueteng ay si dating President Joseph Estrada, dahil na rin sa pagsiwalat ng kanyang dakilang alalay na si Chavit Singson. Pero sa ibang kaso, may nangyari na ba?

Iba na ang gobyerno ngayon. Iba na ang mga tao sa mga tanggapan na ang tungkulin ay sugpuin ang jueteng. Si President Aquino mismo ang nag-utos kay DILG Sec. Mar Roxas na imbestigahang mabuti ang akusasyong ito, at kung mapatunayang may sala ang aksuado, ikulong ayon sa batas! Hindi pa natin alam ang buong kuwento dahil may inihain ng kaso sa Ombudsman, pero dapat matutukan ito at hindi na naman mawala sa limot! Ilang dekada nang nilalabanan ang jueteng, pero dahil sa tindi ng pera na tinatapon sa mukha ng mga opisyal para tumahimik na lang, kasama na riyan ang ilang pulis, sundalo pati mamamahayag, hindi mapigilan.

Siguro ito ang magiging test case sa pamumuno ng administrasyon ni Aquino. Nakita natin na walang nangyari sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Inutusan na rin ni Aquino na protektahang mabuti ang mga nagsiwalat, at malayo ang maaabot ng pera ng mga jueteng lord. Planong balasahin din ang mga pulis sa lugar, kung sakaling nabenta na ang kanilang mga kaluluwa. Ganito kalaki ang problema ng jueteng. Parang iligal na droga naman sa Colombia.

 

vuukle comment

AQUINO

AYON

CHAVIT SINGSON

JUETENG

MAR ROXAS

PANGASINAN

PERO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

SI PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with