^

PSN Opinyon

Madilim ang bukas

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PAPARATING na naman ang Pasko at ang hiling ko sa aking puso  ay maging mapayapa at masagana ang darating na Bagong Taon. Ngunit base sa mga pangyayari sa buong mundo, wala pa akong makitang glimmer of light in the horizon.

Hindi ito propesiya dahil ang prophecy ay paghaha-yag ng mga bagay na hindi inaasahang mangyayari at walang pisikal na basehan pero nagaganap.

Ang sasabihin ko’y isang pag-aanalisa sa global situation batay sa mga pangyayari sa buong daigdig: Tensyon sa Spratlys; pagpapakita ng lakas at panduduro ng China sa mga kalapit bansa nito; digmaan ng Israel at mga Palestino bukod pa sa matinding krisis pangkabuhayan sa daigdig, tila magiging madilim ang bagong taong darating.

Sa kabila nito, isang bagay ang ating dapat ipagsaya: May indikasyong umaangat ang antas ng kabuhayan ng Pilipinas at patuloy na lumalakas ang ating sa-lapi kumpara sa dolyar. Purihin ang Diyos at ibinubuhos niya ang kanyang pabor sa ating bansa. Salamat sa mga maka-diyos na Pilipinong patuloy na nananalangin at nananalig sa Panginoon.

Ito’y sa kabila ng paglagda natin sa resolusyon sa Uni-ted Nations na pumapabor sa Palestino na naging dahilan ng pagbibigay ng observer status nito sa United Nations.

Nakalulungkot na sa harap ng mga kapighatian sa mundo, we can see the obvious truth that so many are departing from God as displayed by the open-mindedness of people to ungodly practices such as homosexual and lesbian pursuits and atheistic philosophy.

Ang lahat ng ito’y pinauna nang inihayag sa aklat ng 2 Timoteo 3 na nagsasabing darating ang mapanga­nib na araw na magiging napakasama ng mga tao at walang kikilalaning Diyos.

Sana’y mali ang aking obserbasyon at gumawa ng himala ang Diyos at maging mas positibo ang kinabukasan ng buong daigdig. Ngunit ang ano mang pagbabago ay depende sa pagbabalik-loob sa Diyos ng bawat tao. Lahat tayo na may pananalig at takot sa Diyos ay manalangin na nawa’y wala nang maganap na mga mapaminsalang kalamidad saan mang sulok ng mundo at maging mapayapa at masagana ang mga papasok pang mga taon.

 

BAGONG TAON

DIYOS

LAHAT

NAKALULUNGKOT

NGUNIT

PALESTINO

PANGINOON

UNITED NATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with