Pananalasa ni Pablo
KAMI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada at ang buong pamilya Estrada ay nakikisimpatiya sa mga nasalanta ng bagyong Pablo.
Ayon sa PAG-ASA, si Pablo, na nakapagtala ng lakas ng hangin na umabot ng 185 kilometers per hour, ang maituturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa Mindanao sa nakaraang dalawang dekada.
Pero masyado umanong kakaiba ang bagyong ito, lalona ang naging “pattern and formation” nito. Sinabi naman mismo ng mga residente na ngayon lang sila nakaranas ng ganitong pangyayari, at ngayon lang sila ng nakakita ng bagyo na kayang magpatumba ng mga puno.
Grabe talaga ang naging pananalasa ng bagyo. Maraming namatay at marami pang nawawala. Libu-libong bahay ang nawasak. Napakaraming pamilya ang nasa evacuation center at tinatayang doon na magpapasko. Winasak din nito ang napakaraming kabuhayan lalo na ang mga bukirin.
Sa pinaka-huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay umabot sa P6.08 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa agrikultura, imprastraktura at mga ari-arian.
Mahigit namang 5.4 milyong katao ang inilikas, kung saan 368,672 sa mga ito ay nananatili pa sa mga evacuation center.
Bukod sa problema sa pagkain at iba pang supplies para sa mga ito ay pinangangambahan din ang posibleng maging pagkakasakit ng marami dahil sa pagsisiksikan sa evacuation centers.
Si Jinggoy ang nag-akda ng panukalang Comprehensive Disaster Management Act na pangunahing pinagbasehan ng naging Republic Act 101211 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Aniya, kailangang paigtingin ang pagpapatupad ng mga probisyon ng naturang batas partikular ang “development and opera-tionalization of a disaster management program to handle and address disaster issues in their totality, encompassing the aspects of prevention, mitigation, preparedness, emergency operations, relief and rehabilitations.”
Dapat din aniyang patuloy na palakasin ang ka pasidad ng mga lokal na pamahalaan at mga komunidad sa pagtugon sa mga bagyo at iba pang kalamidad.
- Latest