^

PSN Opinyon

Paghandaan ang daraanan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang ikalawang linggo ng ating paghahanda sa daraanan ng Panginoon. Ipinaaalala sa atin ang tunay na paghahanda sa pamamagitan nang tuwirang pagsisisi sa mga nagawang kasalanan. Ito ang pinaka-dakilang regalo natin kay Hesus sa Kanyang kaarawan.

Sa pagdating ng Pasko, abala tayo sa paghahanda ng mga regalo sa mga mahal sa buhay. Bakit? Sila ba ang may kaarawan? Puno tayo ng pananabik sa ating mga ibibigay at sila naman ay nananabik din sa kanilang matatanggap. Kaarawan ba nila o ating kaarawan?

Ang lubos na naghihintay ng regalo sa darating na Pasko ay ang ating pagsisisi sa Anak ng Diyos at hindi ang pag-alaala sa mga mahal sa buhay. Nalalaman ng Diyos na ang ating pananabik ay kasinlaki ng pagmamahal at pag-ibig sa ating mga mahal sa buhay. Ganoon din ang pananabik ng Diyos Ama sa ating regalo sa mahal Niyang Anak na si Hesus na pawang pagsisisi sa kasalanan at paggawa ng kabutihan.

Ang pangangaral ni Juan Bautista ay pawang  pinagtibay at ipinahayag ni Lukas sa ebanghelyo na ito ay naganap sa panahon ng Roman Empire  nang sakupin nila ang Galilea at Judea. Ibig sabihin, ang Bagong Tipan ay hindi kathang isip lamang kundi pawang katotohanan sa kasaysayan ng Israel. Ang pagbibinyag kay Juan ay pagsisisi sa mga kasalanan upang patawarin ng Diyos.   

Kahapon, Disyembre 8 ay ibinigay ng Panginoon ang Kanyang regalo sa atin, ang Imakulada Konsepsiyon ni Maria!

Baruk 5:1-9; Salmo 126; Filipos 1:4-6, 8-11 at Lk 3:1-6

ATING

BAGONG TIPAN

DIYOS

DIYOS AMA

HESUS

IMAKULADA KONSEPSIYON

JUAN BAUTISTA

KANYANG

NIYANG ANAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with