Maluwag na sa Divisoria
TINUPAD ni Mayor Alfredo Lim ang kahilingan ng mga Manileños na linisin ang bangketa. Kanyang ipinagiba ang mga stall na matagal nang umuokupa at sumakop sa mga bangketa sa kahabaan ng C.M. Recto, Ilaya, Barbosa, Asuncion, Sto Cristo na sakop ng Police Station 11 at 2. Marami sa mga kababayan natin ang humanga sa asim ng laway ni Lim dahil nanumbalik ang kagandahan ng buong paligid ng Divisoria. Naging mabilis na rin ang daloy ng trapiko dahil tinanggal na ang matagal nang pilahan na pinaghahari-harian ng mga jeepney. Lumuwag ang mga kalye kaya maraming parukyano ang natuwang mamili sa mga murang paninda.
Nabawasan din ang krimen dahil madaling makita ng mga pulis na nagpapatrulya ang mga snatcher at mandurukot. Syempre sumigla ang kalakalan sa Divisoria na pinasa-lamatan ng mga negosyante. Subalit hindi pa man lumilipas ang isang linggo ay nagbalikan na naman ang matitigas ang ulo sa kalye. Parang mga kabute. Nagreklamo ang mga business owner na tinakpan sila ng sidewalk vendors. Ayon sa aking mga kausap, binigyan umano ni Mayor Lim ng tig-iisang metro kuwadrado ang vendors upang kumita naman ang mga ito. Ang masakit nga lang, sinamantala ng mga ito na pataasin ang kanilang dingding na may mga nakasabit na paninda, Natural na matatakpan nga ang legal business establishment. Sa ngayon abot-abot ang panawagan ng mga legal businessmen kay Lim na rebisahin ang permiso ng vendors. Kasi nga malaki na ang nalulugi sa mga negosyante.
Samantala, isang panawagan naman kay Lim ang ipinarating sa akin. Ayon kasi sa reklamo, may isang alias Timpoy ang naghahari-harian matapos na okupahan ang buong bangketa ng Quezon Boulevard sa Barangay 308, Zone 30 ng District 3 sa Quiapo. Pinangangalandakan nito na arkilado niya ang bakanteng lote ng mga Atengco kung kaya maging ang bangketa ay sinakop na nito. Nilagyan niya ng bubong ang bangketa na kaharap sa kanyang pinauupahang puwesto. Nagkakahalaga umano ng P7,500 ang buwanan
- Latest