^

PSN Opinyon

Safe and satisfying sex

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA kulturang Pinoy, malisyoso pa rin ang pananaw natin tungkol sa sex. Matinding pinagdebatihan sa sesyon ng Senado kamakalawa ang probisyon ng Reproductive Health bill tungkol sa “safe and satisfying sex.” Dapat ba itong tanggalin o panatilihin?

 Para kay Senate President Juan Ponce Enrile, dapat alisin ang probisyon, pero natalo ito sa botohan. Labing-isang Senador ang tumangging alisin ang probisyon samantalang anim lamang ang pumabor kay Enrile.

Nakikita natin kung gaano kababaw ang pang-unawa ng iba nating kababayan pagdating sa paksang ito. Para sa akin, ang sex ay kaloob ng Diyos para panatilihin ang timyas at tibay ng pagmamahalan ng bawat mag-asawa. Nagiging kasalanan lamang ito kung ginagawa sa labas ng kasal.

Kaso kapag pinapaksa ito ay nababahiran ng malaswang kulay para sa ibang kababayan natin, kasama na ang ilang pinagpipitaganan nating mambabatas.

 Lagi ring masayang paksa ang sex kapag pinag-uusapan kahit pa sa seryosong deliberasyon sa Kongreso. Halimbawa, nauwi sa komedya  nang ungkatin pati  ang love life ni Senator Francis “Chiz” Escudero at ang sex life ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.

 Nang tumindig si Escudero para ihayag ang kaniyang pagtutol sa probisyon, hinamon siya ni Sen. Pia Caye-tano: “What would you like your wife or your daughter to have, safe  or satisfying sex life?  Make a choice.”

 Tugon naman ni Escudero, pareho niyang gusto ito pero hindi na aniya dapat ilakip sa panukalang batas.

 Kinuwestiyon din ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III kung bakit kailangan pang isama sa batas ang ganyang probisyon. Aniya “Bakit kelangang ilagay pa sa batas yan.. Ang sagwang tingnan e.”

Well, iyan ang ating kulturang Pilipino. Lahat ng tao ay gusto ang sex pero kapag pinagdidiskusyunan na ay hindi na dapat ilakip sa talakayan dahil “masagwa”. Sadyang ang kasalanan ay nasa isip ng tao.

ANIYA

BAKIT

PIA CAYE

REPRODUCTIVE HEALTH

SENATE MAJORITY LEADER VICENTE SOTTO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY ESTRADA

SENATOR FRANCIS

SEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with