^

PSN Opinyon

‘Sa senyas naidawit’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MGA munting halakhak, laging malayo ang tingin. Pailing-iling. Di mo alam ang iniisip… minsan wala lang, nasa malayo sa mundo na walang kamalayan.

Ganito sinalarawan ni Corazon “Cora” Paulino ang pamangkin ng asawang si Nilo Paulino na isang ‘mentally challenge’ (may down syndrome umano). Itatago namin siya sa pangalang “Cherry”, 17-anyos.

Barok man at mahirap intindihin hindi napipi si Cherry na ilahad sa pulis- San Pablo, Laguna ang pang-aabuso umanong sinapit sa tiyuhing si Nilo.

“T*&* pasok dito,” sabi ni Cherry sabay hawak sa kanyang ari at sa puwet.

Tubong Catbalogan Samar sina Cora at Nilo. Dito sila nagkakilala at kinasal. May isang anak sa pagkadalaga si Cora. Hindi naman sila nabiyayaang magkaanak ni Nilo.

Taong 2002 lumuwas ang mag-asawa sa Maynila sa kapatid ni Nilo na si ‘Marlyn’. Isang Overseas Filipino Worker sa Japan. Sila ang pinagkatiwala ni Marlyn na mag-alaga sa tatlo niyang anak.

Limang taong nilang tinignan ang pamangkin. Hanggang taong 2007 ang isang kapatid ni Nilo na si ‘Arsenia’ at asawa nitong si ‘Buboy’ ang nag-alaga sa mga bata. Lumipas ang ilang buwan, nilisan nila Cora at Nilo ang bahay at nagpatayo ng sariling tirahan sa San Ignacio. Malapit lang rin sa kapatid.

Nung magsilakihan ang mga bata, umalis na rin ang mag-asawang Arsenia sa bahay ni Marlyn.  Nagtayo sila ng isang kubo sa malapit.

Kasama niya dito ang tatlong anak. Si Cherry, ang 17 anyos na anak at ang bunsong si “Boy” (di tunay na pangalan).

Maayos ang naging relasyon ng magkapatid na Arsenia at Nilo. “Minsan nagkakatampuhan pero kinabukasan nagkakaayos din naman,” wika ni Cora.

Ika-19 ng Oktubre 2012, nagbago ang lahat… bandang 3:00 ng hapon habang nanunood ng telebisyon si Cora at nagpapahinga sa ‘sofa’ ang asawa na noo’y nakainom, tatlong pulis San Pablo ang bumulaga sa kanila. Tinulak ang pinto… at mabilis na dinakip si Nilo.

“Saan niyo dadalhin ang asawa ko? Bakit po?!” tanong ng asawa.

“Sa presinto! May kaso asawa mo… RAPE!” sagot ng isang pulis.

Halos mahimatay si Cora ng ito’y marinig. Nagtanong siya sa kapitbahay, mas nagulat siya ng malamang pamangkin daw niya ang nagahasa… si Cherry.

Pagsunod ni Cora sa presinto, naabutan niya si Arsenia, Cherry at kapatid nitong si Boy. Walang imikang nangyari. Dumiretso siya sa asawa, sa selda at nagtanong, “Anong nangyari… totoo bang ginawa mo!?”

“Hindi ko yun magagawa sa pamangkin ko… parang anak ko na yun,” paliwanag daw ng mister.

Hindi man makapaniwala si Arsenia na ang kapatid niya ang gagahasa sa anak. Ang bunso niyang si Boy mismo ang saksi sa pangyayari.

Base sa salaysay ni Boy, ika-19, Oktubre 2012, 1:00PM, habang hinahanap niya ang ateng si Cherry sa bahay ng tiyahing si Marlyn na noo’y tinawag daw ni Nilo. Napansin niya na bukas ang ilaw sa CR habang nakasara. Sumilip siya sa ibaba ng pinto. Nakita niyang nakababa ang pantalon ng tiyo hanggang paa nito. Kinabahan siya kaya’t tumuntong siya sa aparador sa gilid ng pader at saka sumilip sa siwang sa kisame. Naaktuhan niyang pilit pinapasok ng tiyuhin ang ari sa ari ng kapatid. Dagdag pa ni Boy,  Pilit niyang pinapatuwad si ate… niyayakap at pinapalo ang puwet. Tinutulak po siya ni Ate… tinatakpan ni Tito Nilo iyong bibig ni Ate. Napatingin si Ate sa akin sa taas ng kisame. Sumenyas ako na huwag maingay.

Tinawag niya si Cherry. Baka sakaling lumabas ito subalit ang tiyuhin ang lumabas ng banyo at sinabing wala dun ang kapatid sabay pauwi sa kanya. Agad na siyang nagsumbong sa ina na noo’y nangunguha ng Chinamol sa bundok.

 Mabilis na rumesponde ang mga pulis. Sa bisa ng Section 5 Rule 113 ng ating batas (warrantless arrest) nahuli si Nilo at agad ikinulong. Kinuhanan rin ng salaysay sa pulisya ang biktimang si Cherry. Ibinigay niya ito kay PO2 Lourdes Doclisen Janairo, ika-20 ng Oktubre 2012 sa Women and Children Protection Center, Criminal Investigation and Detection Section, San Pablo City.

Utal-utal na sinumbong ni Cherry ang umano’y panggagahasa. Nakita ang pasa sa kaliwang kamay ng biktima. Tinanong siya ng pulis kung may masakit sa kanyang katawan. Itinuro ni Cherry ang kanyang ari, puwet at kaliwang braso.

Tinanong siya kung sinong may gawa nito. “Si Tito Nilo,” barok niyang sabi. Hindi man diretsong makasagot, sinalarawan niya ang ginawa sa kanya ng tiyuhin. Hinawakan niya ang puwet ang dibdib at ari.

Ginagawa daw ito ni Nilo habang siya’y umiihi. “Ihi po ako CR…katok tito. Bukas pinto, pasok ako. Tito hawak dito (sabay turo ng kanyang bewang). Tulak ako… Iyak ako.”

Minuestro nito ang ginawa ni Nilo, hinawakan niya ang kanyang ari at nang tanungin siya kung saan siya hinalikan tinuro niya ang kanyang labi.

“Zipper baba… baba pantalon. Hubad damit ko. T*&* pasok dito (sabay hawak sa kanyang ari at sa puwet” senyas pa ni Cherry.

Nang tanungin niya kung anong sinabi ng tiyuhin sa kanya, “Masasarapan daw po ako!” sagot nito. Inaya pa siya nito sa lababo subalit umalis na siya.

Ang mabigat na testimonyang ito ang dahilan ng pagsampa ng kasong Rape  sa tiyuhin. Ilang araw makalipas gusto na umanong iuurong nila Arsenia ang kaso laban sa kapatid. Giit ni Cora, “Gawa-gawa lang ni Boy ang istoryang iyon.

Minsan ng napatalsik sa iskul ang bata dahil sa pagsisinunga­ling.”

Ito ang dahilan ng pagpunta nila sa aming tanggapan.

Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang mga kasong ‘rape’ tulad ng kay Cherry, dahil sa kanyang kundisyon at sa salaysay ay mahirap tibagin.

Hindi basta maaring iurong ang kasong naisampa na lalo na’t ang biktima dito ay isang menor de edad, mas binigyang timbang pa dahil isang ‘mentally challenged’ itong si Cherry.    Kapag bata ang nagsumbong at pinagtibay pa ng isang batang saksi, tatayo ito kahit kaninong taga-usig o hukom sa korte.

 Ang pinakaimportante sa estado ay ang kapakanan ng isang bata. Sa reklamong ito, hindi basta maaring palayain ng korte itong si Nilo. Hindi lang basta ‘Affidavit of Recantation’ o pagbawi ng lahat ng kanyang sinabi o isang ‘Affidavit of Desistance’ ang kailangan para mapawalan si Nilo,

Kailangan ipresinta ang biktima at testigo, maging inang si Arsenia sa korte. Dun sabihin sa ‘open court’ ang pagbawi sa salaysay. Yan ay kung papayag ang kagalang-galang na hukom. Mahirap paniwalaan ni Cora na ang kanyang asawa’y magagawang gahasain ang sariling ka-dugo subalit mahirap ding paniwalaang gagawa ng istorya itong si Boy para mabuo ang  kasong ito.

Importante ang ‘Medico Legal Report’ kung saan ‘di maaring magsinungaing ang makikita ng isang medico-legal officer. Hiniling namin na bigyan kami ng kopya para mas malinawan kami sa kasong ito. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Ang aming mga numero 09198972854(Monique) 09213263166(Aicel) at 09213784392 (Pauline). Landline 6387285, 24/7 hotline 7104038. Address: 5th Floor CityState Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig. Bukas kami Lunes-Biyernes.

Follow us on twitter: Email: [email protected]

vuukle comment

ARSENIA

CHERRY

HELLIP

ISANG

NILO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with