^

PSN Opinyon

‘Ano ang sintomas at dahilan ng cancer sa uterus?’

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. - Pilipino Star Ngayon

‘‘Dr. Elicaño, matagal na akong nagbabasa ng column mo dito sa Pilipino Star NGAYON. Itatanong ko lang po kung ano ang sintomas at dahilan ng cancer sa uterus. Ano po ba ang ginagawang treatment sa sakit na ito at ano ang survival rate ng may cancer. Marami pong salamat, Doktor.’’. ---ELLEN DE JESUS, J. P. Rizal, Makati City


Ang mga sintomas ng cancer sa uterus ay ang mga sumusunod: 1) pagkakaroon ng spotting sa pagitan ng menstrual period; 2) pagdurugo pagkaraan ng pagtatalik; 3) abnormal na daloy ng regla na minsan ay malakas at may pagkakataong matagal bago tigilan ng regla; 4) abdominal cramping o pananakit ng tiyan.

Hindi malaman kung ano ang dahilan ng cancer sa uterus pero sa pag-aaral lumalabas na ang nagkakaroon nito ay mga babaing matataba, may hypertension, may diabetes at mga hindi pa nagkakaanak.

Ang treatment sa cancer sa uterus ay depende sa location at lawak ng sakit. Kadalasang tinatanggal sa uterus, fallopian tubes, ovaries at ang mga nakapaligid na lymph nodes o kulani. Kapag nasa advanced stage na ang cancer, radiation therapy ang ginagawang lunas.

Kung ang cancer ay nasa lining ng uterus (endometrium) ang five-year survival rate ay 85 percent. Kung ang cancer ay nakakalat na malalim na bahagi ng muscle layers ng uterus, 60 hanggang 70 percent na mabubuhay ng limang taon. Kung nakakalat na sa lymph nodes, ang cure rate ay mababa na.

Batay sa mga pag-aaral, lumalabas na ang matagal na paggamit ng estrogen ay inuugnay sa pagkakaroon ng cancer sa uterus.

 

ANO

BATAY

CANCER

DOKTOR

DR. ELICA

ITATANONG

KADALASANG

MAKATI CITY

PILIPINO STAR

UTERUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with