^

PSN Opinyon

Pekeng titulo

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG batas ay para sa lahat. Mayroon tayong lehislatura na inatasang magpasa ng lahat ng uri ng kautusan na kailangan upang ang lipunan ay magkaroon ng ayos at katahimikan. Wala itong assignment na dapat iuna ang isang sektor o ihuli ang iba. Nasa kanila iyon kung ano sa tingin ng karamihan ng kanilang bilang ang mas kailangan.

Pero siyempre, tuwing may ipinapasa ito para sa mga kababayan nating wala sa posisyon na ipaglaban ang kara­patan, marami ang natutuwa na ganito ang kanilang pinagpa­siyahan. Gaya ng immortal na kasabihan ni Pres. Ramon Magsaysay, those who have less in life should have more in law. Kung sino ang huli sa buhay ay dapat una sa batas.

Ganitong uri ng lehislasyon ang panukala ni Cong. Aurelio “Dong” Gonzales ng Pampanga na isama sa hanay ng mga heinous crimes ang salang pamemeke ng titulo ng lupa. Kapag sindikato o malawakan ang gumawa nito, ituturing na economic sabotage na may parusang life imprisonment.

Hindi mahirap isipin kung bakit importanteng mapigilan ang ganitong gawain. Ang pagbili at pag-ari ng sariling lupa ang pinaka-malaking investment ng kahit sinoman. Kadalasa’y life savings ang inilalaan upang makabili ng lupang matatawag na sa iyong sarili at kapag kulang ito’y uutang ka pa para lang makuha ang pinangarap. Kung hindi man ito tatayuan ng sariling­ bahay o titirahan, ito ang konkretong bunga ng lahat ng iyong pinaghirapan sa anyong higit na sigurado kaysa perang nasa banko.

Ang pangarap at pag-asang ito ang sinisira tuwing napepeke ang titulo ng lupa. Higit dito ay ang kumpyansang dapat binibigay sa mga titulo bilang simbolo ng nakasulat dito  --- kapag ito’y mawala ay apektado ang mga transaksyon sa negosyo na maari sanang umasa sa mga tituladong lupa para sa investment o collateral.

Napapanahon ang panukala ni Cong. Dong dahil dumadami ang insidente ng ganitong pamemeke. Tanging sa ganitong pagtaas ng parusa mapapabagal ang masamang gawaing ito. Isa itong magandang batas na karapat-dapat sa suporta ng ating mga kinatawan.

AURELIO

GANITONG

GAYA

GONZALES

HIGIT

ISA

KADALASA

KAPAG

RAMON MAGSAYSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with