^

PSN Opinyon

Paigtingin, kampanya sa illegal na droga

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAAARING sincere na ang PNP na puksain ang mga nagpapalaganap ng droga. Sa panahon ngayon, ito ang kailangang pag-uukulan ng pansin ng PNP dahil ang pagkalulong sa droga ang ugat ng mga karumal-dumal na krimen. Katulad ng pagpatay sa BDO executive na si Evelyn Tan, ina nitong si Teresa at kasambahay na si Cristina Barlolay noong November 11 ng madaling araw sa Yakal St., Sta Cruz, Manila. Inamin ni Nestor Delizalde na siya ang gumawa ng krimen matapos makasinghot ng shabu.

Saksi ako nang aminin ni Delizalde sa harap ni MPD-Homicide Division chief Sr. Insp. Joselito De Ocampo ang krimen. Ang masaklap, makalipas ang ilang araw nang-agaw ng baril si Delizalde sa kanyang escort na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. 

Sa puntong ito nalagay sa balag ng alanganin ang mga pulis matapos umapela ang  human rights. Ngunit ang pinag-ugatan ng krimen walang iba kundi droga. Kung natatandaan n’yo ang UST graduate na si Cy-rish Magalang na pinagsasaksak ng 49 times matapos limasin ang mga mahahalagang gamit nito sa Bacoor, Cavite. At ang pangunahing suspek ay ang magkapatid na Roel at Rolin Gacita na aminado ring nag-shabu bago nila isinagawa ang krimen. Mapalad sila dahil buhay pa sila hanggang sa ngayon dahil hindi uso sa Cavite ang pang-aagaw ng baril sa kanilang escort.

Marahil ito ang batayan ngayon ni NCRPO chief Espina na paigtingin ang kampanya nila sa Metro Manila laban sa droga upang mapangalagaan ang kaligtasan ng sambayanan. Kaya araw araw na akong nakakatanggap ng text massage ng magagandang accomplishment ng kapulisan hingil sa kampanya nila laban sa salot na droga. Kabilang diyan ang pagkakahuli sa American National  na si Brian Hill sa isang condominium sa Makati City. Hindi lamang diyan nag­ tatapos ang pang-amoy ng Southern Police District at Anti Illegal Drugs-Special Ope­ ration Task Force (AIDSOFT) dahil nadiskubre rin nila ang bulto-bultong shabu sa Mitsubishi Pajero na may plakang SEP-825 na gamit ni Hill sa kanyang operas­yon. Ang Pajero ay pag-aari ng gobyerno. Inaasahan ko sa hinaharap may mga pulitikong mahuhubaran ng maskara. Sumuporta ako sa kampanya ng PNP laban sa droga.

AMERICAN NATIONAL

ANG PAJERO

BRIAN HILL

CAVITE

CRISTINA BARLOLAY

DELIZALDE

DRUGS-SPECIAL OPE

EVELYN TAN

HOMICIDE DIVISION

JOSELITO DE OCAMPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with