^

PSN Opinyon

Para saan pa ang NBP?

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TAMA ang ginawa ni DOJ Sec. Leila de Lima sa pagsibak o pagsuspindi sa mga opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP). At kailangan talagang magpaliwanag ni NBP Chief Superin­tendent Ramon Reyes kung paano nakakapasok ang mga kontrabando, kasama na ang granada na pinasabog sa maximum security area! At ano naman ang paliwanag ni Reyes sa laki ng pagkakaiba ng resulta ng mga nakum­piskang gamit sa ilang bilanggo ng NBI agents, kumpara sa mga nakumpiska kuno ng mga opisyal ng NBP! Pambihira ang mga nakuhang kagamitan mula sa isang bilanggo! Mga mamahaling cell phone, mga USB na pang wi-fi, may iPad, Galaxy tablet, mga sim card na bago at gamit, at may mamahaling alak pa na mga mayayaman lang ang naka­kabili katulad ng Blue Label at Royal Salute, at split-type na aircon! Talo pa nila ang ilang hotel sa Metro Manila sa sarap ng alak! May libu-libong pera pa, at may hinalang mga iligal pang droga! At may sariling CCTV pa sila!

Diyos ko, anong klaseng bilangguan ang NBP? Hindi pwedeng tanggapin na hindi alam ni Reyes ang lahat ng pinaggagawa ng kanyang mga tauhan at mga bilanggo, isang dahilan na ginamit na rin ng isang dating hepe ng NBP. Sagisag ng isang mahinang pinuno ang hindi alam ang nangyayari sa kanyang lugar, o alam niya lahat pero, alam nyo na. Ito ang kailangang ipaliwanag ni Reyes! Pero anuman ang kanyang paliwanag, hindi na siya dapat ibalik pa sa NBP. Kung may mapatunayan na may ginawa siyang pagkakamali, baka makabalik na siya, sa loob.

Ano pa ang silbi ng NBP kung ganyan naman ang buhay ng mga bilanggo sa loob? Cell phone, wi-fi, internet, Blue Label, Royal Salute, pera? Mga masasarap ang buhay, at tila nakaka-negosyo pa’t nakakapagpatuloy pa ng kanilang mga negosyo, maging ligal o hindi! Paano na ang hustiya para sa mga naging biktima ng kanilang mga krimen? Matagal ko nang sinasabi na ang korapsyon sa NBP ay malalim na. Hindi ko akalaing ganito kasama! Hindi ko alam kung matatanggal pa ang sistema ng korapsyon sa NBP, o hindi na. Kung hindi na mababago, isara na lamang ang NBP dahil maliwanag na bigo sa kanyang tungkulin na maging bilangguan. Kung hindi lang nadidispensa ang hustiya ng tama, para saan pa iyan?

 

BLUE LABEL

CHIEF SUPERIN

METRO MANILA

NBP

NEW BILIBID PRISONS

RAMON REYES

REYES

ROYAL SALUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with