82,000 PCOS machines matetengga sa halalan
ISA sa mainit na usapin tungkol sa precinct count optical scanners (PCOS) nu’ng halalang 2010 ay ang source code. Ito ang computer program na mag papatakbo sa PCOS. Ibig sabihin, makilala ang genuine na balota, mabilang ang mga boto, at ma-transmit ang tallies sa Comelec field at central offi-ces. Ayon sa Election Automation Law at sa kontrata ng supplier na Smartmatic ng Venezuela, dapat ideposito ang code sa Bangko Sentral ng Pilipinas pagkapanalo ng supplier sa bidding. Dapat din ipasuri ito sa mga partido at eksperto sa information technology.
Inanunsiyo ng Comelec at Smartmatic na isinumite na ang source code ng PCOS sa BSP. Dagdag pa nila, maari na itong suriin sa computer ng Comelec, pero bawal i-testing sa pamamagitan ng laptops at flash drives, o ilabas sa central office. Hindi lumahok ang mga IT experts dahil palabas lang daw ang ginagawa ng Comelec at Smartmatic.
Nanatiling kuwestiyonable ang source code. Ganunpaman, inupahan ng Comelec ang 82,000 PCOS machines sa halagang P7.2 bilyon. Pinagdudahan kung kinopya lang ng Smartmatic ang public surveys bilang resulta ng eleksiyon.
Ngayon lumabas ang totoo. Hindi pala hawak ng Smartmatic ang source code. Hindi ito ibinigay sa BSP. Malamang ay peke ang program sa naudlot na pagpapasuri ng Comelec.
Naibulalas ito ng Smartmatic sa isang demanda laban sa Dominion Voting Systems ng Canada nu’ng Setyembre. Ang Dominion ang totoong may-ari ng
PCOS technology, at hindi pala nito isinumite ang source code. Kaya, sinisi-ngil siya ng Smartmatic ng danyos perhuwiso.
Kataka-taka, hindi ito pinapansin ng Comelec. Sa halip, binibili pa ang 82,000 PCOS sa dagdag na P1.8 bilyon sa Smartmatic. Mga bulaan!
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest