^

PSN Opinyon

Pagkakamali, pagtatama

K KA LANG - Pilipino Star Ngayon

KAHIT sa trahedya, may namumungang kabutihan, may natututuhan, may nadidiskubre. At nangyari ito sa pag­bagsak ng eroplanong sinakyan ni dating DILG Sec. Jesse Robredo. Nilabas na ang resulta ng imbestigasyon sa pagbagsak ng Piper Seneca na pinalipad ni Capt. Jessup Bahinting, isa sa may-ari ng Aviatour, at ni Kshitiz Chand, isang estudyanteng piloto. Ayon sa resulta, may mga pagkakamali si Bahinting kaya bumagsak, may pagkukulang ang Aviatour sa pag-alaga ng eroplano, at may nasiwalat na mga anomalya sa pagbibigay ng sertipikasyon sa mga eroplano mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). 

Ang pinaka-mabigat na pagkakamali raw ay ang desisyon ni Bahinting na magpatuloy ng lipad patungong Naga, kahit may nangyari nang aberya sa makina ng eroplano. Kung binalik lang niya ang eroplano sa Cebu, baka hindi nangyari ang trahedya. Walang may alam kung bakit niya pinilit tumulak ng Naga kahit may lumabas nang diperensiya sa isang makina ng eroplano. Baka ayaw rin niyang madismaya ang kanyang importanteng pasahero, na importante rin na makarating sa Naga. Pero ganun nga ang dapat ginawa ng piloto. Sa unang senyales ng aberya, dapat ibinalik na sa pinakamalapit na airport.

Pero ang anomalyang nasiwalat sa pagitan ng CAAP at aviation companies ang mas iniimbestigahan ngayon. Lumabas na may mga eroplano, kumpanya at mga paaralang aviation pa nga ang nabibigyan ng sertipikasyon ng CAAP, kahit hindi naman karapat-dapat! Sa madaling salita, nabibili lamang ang sertipikasyon, parang mga diploma at ID sa Recto! Mabigat na paglalabag ito dahil mga eroplano at piloto ang pinag-uusapan natin! Katulad niyan, hindi raw kwalipikado si Bahinting sa pagpapalipad ng eroplano na isang makina na lang ang umaandar! Pero may lisensiya siyang gawin ito! Paano nangyari iyon? Ngayon, tila lumalabas na kung bakit, at paano. Kaya pagsibak at pagbabago sa CAAP ang mangyayari dahil dito. Nasiwalat ang korapsyon. Ngayon, kailangang ayusin. Kung may dapat parusahan, parusahan.

Tanggap na raw ni Leni Robredo, asawa ni Sec. Jesse Robredo, ang nangyari. Tinanggap na niya na may nagkamali, may mga pagkukulang, may mga anomalya na naging sanhi ng pagbagsak ng eroplanon. Tatlong buhay ang naging kabayaran dahil sa mga pagkukulang na ito. Ang hiling lang niya, ay sana may matutunan mula sa trahedyang ito, para may saysay naman kahit papaano, ang pagkawala ng kanyang asawa. Iwasto ang mga mali, at tanggalin ang mga anomalya.

Dapat lang.

vuukle comment

AVIATOUR

BAHINTING

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

EROPLANO

JESSE ROBREDO

JESSUP BAHINTING

KSHITIZ CHAND

LENI ROBREDO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with