^

PSN Opinyon

Leksiyon

K KA LNG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI ako nakapagsulat kahapon. Medyo nagpalamig   na muna ako at nagpakalmado, dahil sa mga nababalitaan kong nagaganap sa siyudad. Isa na rito ang kaso ni Julie Anne Rodelas, na dating talent ng ABS-CBN. Natagpuan ang bangkay ni Rodelas sa Cubao. May mga tama ng bala sa katawan. Tinapon siya umano mula sa isang Mitsubishi Montero. Hindi pa alam kung ginahasa. Dinukot umano si Rodelas sa Pasay City noong Martes ng madaling araw. Ang motibo? Gustong turuan ng “leksiyon” ni Althea Altamirano ang kaibigang si Rodelas dahil sa mga kinakalat daw na tsismis. Ang nagbigay ng mungkahi na gawin ito ay ang boyfriend ni Altamirano na si Fernando Quiambao Jr.!

Ayon kay Altamirano, ginagawa raw talaga umano ni Quiambao ang mga ganito na walang bulilyaso. At tila alam din ng ama ni Quiambao ang pinaggagawa ng kanyang anak, at siya pa nga ang nagdala ng mga damit para sa kanila sa Pampanga noong nagtatago na! At nang mahuli na nga sina Altamirano at Quiambao sa Apalit, Pampanga, dahil sila na ang mga pangunahing suspek, tinuro ni Quiambao ang lugar kung saan niya kinukuha ang mga criminal --- sa Barangay Culiat. Hindi lang ang kaso ni Rodelas ang nalutas, kundi nabuwag din ng mga pulis ang isang sindikato ng kriminal! Barangay Culiat, Apalit, Pampanga, bagong sasakyan? Pero siguro, kailangang manmanan ng PNP ang lugar at ang grupong ito!

Ngayon, panay ang iyak at pagsisisi kuno ni Altamirano sa sinapit ng “kaibigan” niya. Hindi raw alam na gagahasain at papatayin. Akala lulumpuhin lang. Sa kulungan na lang sila mag-iyakan. Sana may magleksiyon din sa kanila! Hindi pa alam kung bakit tinuluyan si Rodelas. Malamang ay dahil kilala si Quiambao. Kidnapping na nga naman ang kaso.

Mabilis ang QCPD-CIDU. Ilang araw lang, lutas na ang krimen. Sana ganito palagi. Sana ganito kadali nalu­lutas ang mga krimen. Saludo ako sa mga imbestigador na humawak sa kaso. Nabasa nila nang tama ang mga ebidensiya, lalo na ang hawak na resibo ni Rodelas. Kahit sa kanyang kamatayan, may nagawa siya para matukoy ang mga pumatay sa kanya.

Grabe na ang mga krimen ngayon, lalo na para sa mga babae!

vuukle comment

ALTAMIRANO

ALTHEA ALTAMIRANO

BARANGAY CULIAT

FERNANDO QUIAMBAO JR.

JULIE ANNE RODELAS

PAMPANGA

QUIAMBAO

RODELAS

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with